Chapter 15 Cruel Punishment

1664 Words

Abot-abot ang kaba ko at hindi ko mapigil ang panginginig ng mga kalamnan ko. Paano kung igaya ako ni Lance sa babaeng pinatay niya noon? Paano kung sa sobrang galit niya sa akin ay mapatay niya rin ako? Paano na ang pamilya ko? Gustuhin ko mang umiyak ay hindi ko magawa dahil siguradong magtataka itong dalawang kasama ko. Base sa panaka-naka nilang pagtingin-tingin sa akin ay alam kong nag-aalala sila. “Farah, ayos ka lang ba? Nanginginig ka kanina pa. May nangyari ba sa bahay ninyo? Ano’ng problema?” nag-aalalang tanong ni Leah. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at marahang pinisil. Napalingon ako sa kaniya. Nakatitig siya sa mga mata ko. Ramdam ko rin ang titig ni Terrence sa amin mula sa rearview mirror. Umiling ako at nag-iwas ng tingin. Binawi ko rin ang mga kamay ko mula sa pag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD