Simula nang sabihin kong huwag na makipagkita ang gagong si Skate sa babaeng iyon ay hindi ko na muli pa nakita si Amy sa recording store. Wala naman akong nakitang anything para magkaroon ng contact ang dalawa. Ibig sabihin lang non ay sinunod talaga ni Skate ang sinabi ko sakanya.. Pero ngayong tatlo nalang kami dito sa workplace nya ay parang nakakaramdam ako ng masamang hangin, well not really.. hindi naman dark aura kundi isang awkward air. Lalo na't paniguradong iniisip pa rin ni Skate yung kiss namin ng bwisit na Russ na 'to. I sighed. Isn't that great Link? Hawak mo nanaman sa kamay mo si Skate tulad ng dati, I'll make sure he's not going to wander anywhere again. He's a stray after all.. at mararamdaman niya lang ang warmth pag nasa tabi niya na ako. I can only

