"tch!" sinuntok ko tong gago dahil kanina pa ko hinahalikan =___=
At syempre sinuntok niya rin ako pabalik.
Putek ano to lokohan!?
Nasa apartment ko siya ngayon dahil plano niya ulit matulog dito. Tangina lang! Halos hindi ako makanood ng pinapanood ko dahil walang tigil ako hinahalikan nitong gagong to.
"hoy. Pwede bang tumigil kana? Nakakabanas na eh." sabi ko sakanya pero imbis na tumigil siya'y hinila niya pa ako't hinalikan pa lalo..
Punyemas! Bahala na nga..
Hinalikan ko rin siya pabalik at nakipagsabayan nalang sakanya nang maramdaman ko ulit yung dila niya..
T@ngINA!! Eto nanaman siya..
Pinikit ko nalang yung mata ko't hinayaan nalang siya sa gusto niyang gawin..
Naramdaman ko naman yung dila niyang pinaglaruan yung dila ko..
Takte talaga tong lalaking to!
Hindi nanaman ako makahinga dahil sa ginagawa niya..
"aah.. tangina.. ngh!" sabi ko't hindi ko rin alam kung saan ba nanggagaling yung tunog na ginawa ko..
Tinulak ko naman siya't pinunasan yung tumulong tubig sa bibig ko..
Bakit ba andami nitong alam na techniques? kainis lang.
"f*cktard. Kung gusto mo ng kiss buddy wag ako pwede?" sabi ko sakanya..
"what's the big deal shithead? I like kissing you."
Parang tumigil sa pagtibok yung puso ko sa sinabi niya. TANGINA TALAGA NETO!
Iniwas ko yung tingin ko sakanya, "gago."
"Isa pa, last na." Lumapit siya sa akin..
Sinuntok ko naman siya, "tangina mo! Nang-aabuso ka na ah!"
And as usual, he punched me back. "Shut up f*cker!"
Napahiga ako sa sahig dahil tinulak ako nitong gagong 'to pagkatapos ay hinalikan ng putanginang matagal.
Pagkatapos nun ay pinakawalan niya na ako't bumalik sa pwesto niya na parang walang nangyari. Putek talaga..
Tss. Tumayo ako't dumiretso sa higaan ko, "hoy, matutulog na ko. Ikaw na magpatay ng tv." sabi ko sakanya't hindi naman siya nagsalita..
Humiga na ako sa kama't iniisip ko pa rin kung bakit nga ba nandito itong gagong to sa apartment ko..
Yung nangyayari saming paghahalikan eh tanginang trip lang para sakanya pero naco-conscious na ako sa tuwing ginagawa niya yun.
Putanginang ang sarap kasi humalik ng gago.
Naramdaman ko yung yapak niyang papunta ngayon sakin..
"Tulog ka na?" tanong niya dahil hindi niya ako nakikita since nakatalikod ako sakanya..
"Oo tulog na ko gago." sagot ko naman sakanya..
Tumunog naman yung higaan nang sumampa siya dito, "good night.." nanlaki nalang yung mata ko nang halikan niya ko sa pisngi =//////=
Tengene ang creepy nito.
Pinunasan ko naman yung parteng hinalikan niya't doon ko lang napansin na iyon yung sinuntok niya kanina..
Namanhid na ata itong pisngi ko dahil sa kakasuntok nung gagong yun.
Pinatay niya na yung ilaw tsaka natulog sa lapag..
Ganyan siya lagi, ayaw niya matulog sa kama syempre hindi ko siya papayagan. Ang liit na nga nitong higaan ko tapos papahigain ko pa yang gagong yan dito? Ano siya sinuswerte?
Napapa-buntong hininga nalang ako..
Paniguradong paggising ko ulit bukas, wala nanaman siya.
***
At ganun na nga. Wala na nga ulit yung gago.
Naghanda naman akong pumasok sa Uni.
Umalis na ako matapos kong gawin lahat ng kailangan ko gawin..
Pumasok naman ako sa gate ng school. Buti nalang at hindi ako late, may time pa para mag prepare.
"Link!" tawag sa akin ni Clary,
"oh?"
"gusto mo bang sumama mamaya?" tanong niya,
"sumama saan?" tanong ko naman,
"mag i-invade tayo ng dorm!" nakangiting labas ngipin niyang sabi =___=
"kaninong room naman?"
"kay Andre! Magdadala din kami ng pagkain at ng iba pang tao na nasa ibang section.." sabi niya..
Erm..
Pupunta ba ko?
Plano ko kasi pumunta ulit ngayon doon sa Bar na iyon.
"ano sasama ka ba? Maraming babae na sasama kaya sumama kana!" sabi niya sakin habang hinihila yung braso ko =___=
"uh okay sige.. anong oras?" tanong ko..
"mga 7! Magkita tayo mamaya sa store malapit sa boys dorm." Sabi nito at tumango naman ako.
I guess okay lang. Lagi nalang kasi ako nandoon sa bar na yun, kelangan ko rin makisama dito sa mga ka-klase ko..
Pumasok nalang sa isipan ko yung imahe ni Skate..
Hindi ko makikita yung gagong yun kaya wala akong ka-sapakan ngayon.
Wala din akong..
kahalikan..
=_____= Eh so ano naman?
Nang mag ring yung bell ay pumasok na kami sa classroom..
Maaga natapos yung klase namin ngayon kaya umuwi muna ako sa apartment bago pumunta sa boys dorm.
Pagkatapos ko magpalit ay humiga ako sa kama't pinagmasdan yung kisame..
Naka-receive akong text mula kay Clary na 'wag kalimutan mamayang 7!'
Ah..
Doon may sumagi sa isipan ko..
Wala akong kaalam-alam doon sa gagong 'yun. Kahit cellphone number manlang niya o kahit ano na makapagsasabing sakanya. Ang alam ko lang eh doon siya nakatira sa 2nd floor ng bar na iyon, ubod ng kagaguhan at katarantaduhan.
Pero bakit ko nga ba siya iniisip ngayon?
Halos walang araw na hindi ko siya inisip O_____O
Tangina nakakatakot.
=____= Syempre, panay halik ba naman tapos maya-maya susuntukin nalang ako bigla. Tangina lang.
Natulog ako ng kaunting oras at nang magising ako, saktong malapit na mag 7.
Pumunta agad ako sa store malapit sa boys dorm, dala yung mga dapat kong dalhin.
Nakita ko si Clary nag-aabang kasama yung iba pa naming kasama..
"Guys nandito na si Link!" sigaw ni Clary at napatingin sila sakin lahat =___=
Teka.. bakit parang andami naman atang babae?
Puta apat lang kaming lalaki!? Dafuq.
Nevermind that.
"Ano tara? I-ambush na natin yung kwarto ni Andre!" anunsyo ni Clary..
Pagkatapos nun ay halos lumuwa na yung mata ng ka-klase naming si Andre nang makita kami sa labas ng kwarto niya't pinasok namin yung kwarto niya ng hindi nagpapaalam.
Ganyan talaga =____=
Invasion nga diba? lol
Doon kami kumain sa kwarto niya, wala kasi ngayon yung in-charge sa boys dorm kaya malaya kaming nakapasok since kaibigan naman namin yung guard.
Nagkwe-kwentuhan sila habang ako nasa isang sulok lang umiinom ng canned beer.
"Link, bakit hindi ka sumali?" napatingin ako sa nagsabi 'non at nakita kong isang babae na hanggang balikat ang buhok, maputi at cute. Nasa kabilang section siya kaya hindi kami magka-klase, siya si Daphne.
"ah.. wala, ayoko kasi ng maingay." sabi ko sakanya,
"ganun ba? Pareho tayo," ngumiti siya, "dito nalang din ako pwede?"
Tumango ako, "sige."
Siya yung tipo kong babae. Yung palangiti, palakaibigan tsaka mahinhin. Marami ngang nanliligaw sakanya tsaka habulin pa ng lalaki.
Hindi ko napansin na tinititigan ko na pala siya,
Namula naman yung mukha niya at ibinaling ko nalang yung tingin ko sa iba.
Umiinom parin ako ngayon ng beer habang siya naman ay nakaupo lang..
Ang awkward nito ah =_____=
"uhm.. m-may girlfriend kana ba?" tanong nito..
Umiling ako, "wala.."
"t-talaga? p-pero parang hindi naman. K-Kasi, mabait ka tapos ang gwapo mo pa.." muntikan na ako nasamid sa sinabi niya. Grabe na-flattered naman ako doon =___=
"ah.. thanks.." nasabi ko nalang. Ang tipid ko 'no? Hindi ako sanay makipag-usap sa mga babaeng hindi ko madalas makausap kaya ganito.
"uh-uhm... anong hobbies mo?" tanong niya..
"err.." nag-isip-isip ako, ano nga ba? "um.. Wala naman akong ibang ginagawa kundi manood ng tv, o kaya.. yun lang." o kaya pumunta sa bar tapos uminom.
"anong mga pinapanood mo?" Ini-interview ata ako ng isang 'to..
"kahit ano pero mostly soccer. Or anything na related sa sports." I answered..
Tinignan ko yung orasan, 9:47 PM na.
Normally nandoon ako ngayon sa bar nakikipag-suntukan sa gagong yun.
"Guys! Uwi na tayo, gabi na." sigaw ni Clary
"Ehh!?! Dito muna kayo!" pagpigil naman ni Andre =___=
"hindi pwede. 9 yung pasok natin bukas kaya uuwi na kami.." sabi naman ni Clary,
"mukhang balak na nila umuwi." Tumayo ako sa kinauupuan ko't tumayo rin si Daphne..
Nagpaalam na kami kay Andre at lumabas na sa kwarto niya.
Nasa labas na kami ng Boy's Dorm ngayon at ang ingay-ingay nitong mga kasama ko =___=
"Saan ang bahay niyo?" tanong sa akin ni Daphne,
"nakatira ako sa isang apartment. Dyan sa Tresse Street." sagot ko naman sakanya,
"ah! Malapit lang yung bahay namin doon. Tara sabay na tayo?" sabi nito sa akin at tumango naman ako..
"Link, alis na kami. Doon pa yung daan niyo diba?" sabi ni Clary at tumango tango nalang ako.
Pagkatapos nun ay iniwan na nila kaming dalawa ni Daphne.
"saan banda yung bahay niyo? Ihahatid na kita sainyo." sabi ko sakanya. Mahirap na baka may mangyari pang masama sakanya..
"a-ah.. ituturo ko nalang.. t-thank you.." nauutal na sabi niya..
Tahimik lang kaming naglalakad..
Lagpas pala ng apartment ko yung bahay ni Daphne, kaya nang madaanan ko yung tinutuluyan kong apartment tinuro ko sakanya na doon ako nakatira.
"Dito ako sa may apartment na 'to nakatira." sabi ko sakanya't tumango naman siya't ngumiti..
"sa susunod bibisitahin kita.." sabi naman niya. Ang sweet niya, yan ang mga gusto ko sa babae.
Nang may napansin ako bago tumuloy sa paglalakad..
Nakita ko si Skate na nakatingin sa may second floor. =___=
Well umalis din ito agad kaya hindi ko sure kung yung gago nga ba yun o hindi. Pero sigurado akong siya yun, tangina ano bang ginagawa niya dito? Tss..
Baka isipin niyang girlfriend ko 'to..
Tuloy lang ako sa paglalakad habang nag-iisip ng kung ano-ano..
Eh ano namang paki ko kung isipin niyang girlfriend ko tong si Daphne?
Pero di ko talaga maiwasang isipin kung ano bang iniisip nung gagong yun.
Nang maihatid na si Daphne ay nagpasalamat ito sa akin. Pagkatapos nun ay diretso agad ako pauwi..
Wala doon si Skate.
Namamalik-mata lang ba ako? =___=
Pero sure akong si Skate nga yun eh. Siya lang naman yung may gagong mukhang ganun.
Tsk. Bakit ko ba yun iniisip?
Habang nakahiga sa kama..
Napahawak nalang ako sa labi ko..
Weird. Tuyo ito ngayon..
***
Dumaan ang isang araw bago pa ulit ako nakapunta sa Bar..
Hindi ko naramdaman yung presence nung gago't diretso lang ako umupo sa stool ng counter.
Dumating naman si Master at umupo sa tabi ko..
"ba't wala ka dito kahapon at nung isang araw?" tanong niya..
"ah.. Andami kasing ginagawa sa Uni." sagot ko naman sakanya..
"ganon? Alam mo ba yung nangyari kagabi?" tanong niya..
"anong nangyari?" tanong ko naman.
Tinitigan niya lang ako at sinagot yung tanong ko..
"may hinalikan si Skate na babae.."
Parang nawala ako sa sinabi niya..
"h-ha?" tanong ko.
"nagkagulo kagabi dahil hindi siya mapigil. Mukhang hindi ata mabubuhay yung lalaking yun kung walang hinahalikan bawat araw."
Natahimik ako sa sinabi niya.
Ano 'to..?
Tangina!
Bakit sumisikip yung dibdib ko? s**t.
Gago yung lalaking yun..
Matapos ako halikan ng ilang beses, bigla-bigla nalang makikipag-halikan sa iba?
Tangina lang!
Ano bang kinakainisan ko?
Puta!
Hindi ba ganun naman talaga yung gagong yun?
Pero nakakainis eh.
That bastard.