Ilang linggo na akong hindi pumupunta sa bar. Naduduwag ako, na kapag pumunta ako doon ay baka makita ko yung pagmumukha niya't bigla nalang ako mag break down at umiyak. Out of sight.. out of mind.. Gagana kaya yung sinabi ni Russ na iyon? Sa tingin ko hindi, dahil kahit anong gawin kong paraan para maalis yung taong 'yon sa isipan ko hindi ko magawa. My mind was full of thoughts of him, nararamdaman ko pa rin yung mga halik niya, yakap niya, naririnig ko parin yung mababang tono at malamig na boses niya. It makes me tremble. Pati yung gabing natapos na ang lahat. He never tried to see me, nor talk things through. Isa lang din ba ako sa mga pinaglaruan niya? Kung ganoon puta siya. I shouldn't have chased him, I shouldn't have fell head over heels. Pero ano pa nga ba

