~~Brix POV~~ "You found him?!" tuwang tuwang hinawakan ako ni Mama nang marinig namin ang balita tungkol kay Kuya. Tumango ang private investigator. "Sa isang isla, malayo sa Davao City. Actually po, may tumawag na babae sa Great Escape resort at sinabi ang tungkol kay Sir Nathan......" "Sinong babae?" tanong ni Mama pero umiling ang imbestigador. "Hindi po nag-pakilala. Sinabi lang po na nasa ospital si Sir Nathan. Nang puntahan ko po, wala na sila at nakauwi na sa isla," may iniabot siyang papeles kay Papa. "Nandiyan po ang mga dokumento sa ospital at mga larawan.....ganoon din ang...." "Marriage contact?!" napasinghap kaming lahat nang ilabas ni Papa mula sa folder ang hawak na papel. "That is his signature, Papa!" hindi ako pwedeng mag-kamali. Nathaniel G

