"Sure you're okay?" tumingala ako kay Brix bago ngumiti at tumango. "Huwag kang mag-alala, okay na ako," itinaas niya ang mukha ko at sinipat iyon. "Ayan! Hindi ka na maputla! Ganda naman talaga!" napatigil siya sa gagawin sanang paghalik sa pisngi ko ng parang may maalala. "Though I want to kiss you, I cannot. Masisira ang make-up mo at malalagyan ka ng lipstick ko." Napatawa ako nang mahina. Napaka-ganda kasi ni Brix ngayong gabing ito. Nagsuot siya ng wig na ang kulay ayon sa kanya ay fierce red at kulot kulot. Naglagay pa ng fake na dibdib para daw mas magandang tignan ang gown niya na parang kumikislap sa kaputian. Ako naman, pinaayusan din niya dahil hindi daw pwedeng mawala kami nina Inay at Essa. Kailangan daw, maganda ako at mawala ang pamumutla ko. Ilang araw

