"Nathaniel!" nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Papa nang makita niyang kasama ko sina Lota at Christian. Kalong ko ang anak ko at tila naman takot na nakatago sa likuran ko si Lota. Nakaramdam ako lalo ng galit kay Papa dahil nararamdaman ko ang takot ni Lota sa kanya. "Ano ang ginagawa nila sa pamamahay ko, Nathaniel?!" hindi pa rin nagbabago ang tingin niya sa akin. "At sino ang batang iyan?!" "He is your grandson, Papa!" nakita ko ang pagtalim nang tingin niya sa akin pero hindi ko iyon pinansin. "And they are going to live with me! And this time, Papa, wala kang magagawa at wala kang pwedeng gawin sa kanila. Even to Tiyo Mando and Ruben. Mga mabubuting tao sila at alam ninyo iyan!" binalingan ko si Lota. "Follow Ate Bam. She will take the two of you in the ent

