"Seryoso? Wala talaga ang asawa mo ngayon?" tumango ako sa tanong sa akin ni Essa. "At bakit daw?!" "Malay ko! Basta ang sabi sa akin ni Brix, wala si Nathan," hindi ko maiwasang hindi malungkot ng kumpirmahin ni Brix na hindi pa umuuwi ang kapatid mula sa kung saan. Masyado yata itong nagpapakasaya kung saang lupalop man siya naroroon. "So lungkot lungkutan lang ang peg, ha?" inirapan ko siya. "For all I know, kating kati kang malaman kung ano ang dahilan kung bakit wala siya ngayon." pang-aasar pa. "Alam mo bakla, pwede namang manahimik ka lang kahit sandali lang, ha? Paanong makaka-move on ang tao kung tanong ka nang tanong tungkol sa kanya," sinimangutan ko siya. Iniabot bigla sa akin ang isang plato na puno ng pagkain. "Peace offering," sabay ngiti. "Patawad na po.

