Kinabukasan ay nagising si Marshmallow na may naamoy siyang bango ng nilulutong ulam. Hindi naman bago 'to sa umaga dahil ang gumigising sa kanya ay ang niluluto ng Yaya ni Nigel. Ngunit kakaiba ngayong umaga, pamilyar kasi sa kanya ang bango ng nilulutong ulam. Hindi ito ang unang beses na nangyari 'to, ganito rin noong maayos pa silang dalawa ni Ashton noong nakaraang buwan. Bumangon na siya at nag-shower lang saglit bago bumaba. Aminin niyang kumabog ang puso niya nang marinig ang halakhak nina Ashton at Nigel. Ito rin ang unang beses na narinig uli niya ang malakas na tawanan ng mag-ama pagkatapos ng araw na nag-away sila ni Ashton at binawalan itong pumunta ng bahay niya. Sa unang araw na hindi ito pumunta doon ay kapansinpansin sa mukha ni Nigel na malungkot ito, gano'n din naman si

