WARNING: Contains adult theme!!! After talking with Beverly, pumasok uli siya sa loob. Wala na si Nigel doon at tanging si Marshmallow ang nakaupo sa may counter at umiinom ng gatas. Hindi agad siya lumapit sa dalaga at pinagmasdan ito. Nakapagpalit na ito ng damit pambahay, puting oversize T-shirt ang suot nito at jogging pants. Magulo rin ang pagkakatali ng buhok nito at may mga nakalugay pa na kunti. She looks so beautiful in that aspect. She looks so innocent. Ito ang minahal niya sa dalaga noong teenager pa lamang sila. Very simple but elegant. Noon kahit anong damit ang suot nito basta simple lang, napakaganda nito sa paningin niya at walang makakatalo dito sa puso niya. Nagbago lang 'yun nang binago lahat nito ang sarili. The simple half of his heart is gone. Bumuntong-hininga siy

