Ito ang araw na madi-discharge ang binata kaya inaayos niya ang gamit nito. Kaso sa halip na matapos niya ang ginagawa ay hindi dahil ang magaling na lalaki, parang koalang nakakapit sa kanya at hinahalikan ang leeg at batok niya. Kahit anong pakiusap niya na pakawalan siya nito ay umiling lang ito at humihigpit ang braso sa tiyan. Ang dahilan nito, natatakot daw itong 'pag binitawan siya ay bigla siyang mawawala at hindi na babalik dito. Kinintalan nito ng halik ang naka expose na batok niya at lalong humigpit pa ang braso nito sa tiyan niya. "Don't squeezed me to tight, Ashton. I'm afraid, you'll hurt our baby" saway niya rito at tinapik ang kamay nito. Napabitaw ito at humarap sa kanya, namimilog ang mata nito ngunit kumikislap naman iyon. "What did you just say?" "Uhm! Did I say so

