TRUTHS AND LIES

1580 Words
"Love builds, it also destroys." PHIL'S POV "Hindi kita kayang pagbigyan ngayon, Phil. Hindi ko alam kung paano tumira sa isang apartment na kasama ka. Hindi ko alam kung kaya kitang makita kada umaga. Phil, hayaan mo muna ako. Hayaan mo munang humilom ang sugat na ginawa mo sa puso ko." Tuluyang tumulo ang mga luha ko nang bigkasin ni Kob sa akin ang mga salitang ito. Para akong paulit- ulit na sinasaksak ng mga matatalim na salita at tingin niya sa akin habang nagsusumamo ako sa kanyang h'wag niya akong iwan. Pero ginawa niya. Iniwan niya pa rin ako kahit na ilang beses kong sabihin sa kanya na huwag niya akong iwan dahil wala akong ginawang masama sa kanya. Batid kong kumukulo ang dugo niya sa akin ngayon ngunit ano ang magagawa ko kung ayaw naman niya akong pakinggan? Kailan pa mananaig ang katotohanan kung hindi ito papakinggan? Sinundan ko nang tingin ang sinasakyang jeep ni Kob habang umiiyak sa gilid ng parkingan. Ang hirap pala ng ganito. Yung tipong nagsasabi ka ng totoo pero hindi ka pinapakinggan. Wala na akong nagawa kundi pakawalan si Kob at hayaan siyang hanapin ang sarili niya. Umaasa na lamang ako na sa paghahanap niya ng kanyang sarili ay mahanap din niya ang katotohanan at tuluyan din siyang bumalik sa akin dahil mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya. Habang naglalakad ako pabalik sa apartment ay tuloy- tuloy naman sa pag- agos ang aking mga luha. Naalala ko ang gabing sumira sa relasyon namin Kob. Sana pala hindi ko na lang hinatid si Denisse kung ganito lang naman pala ang mangyayari. Klaro at walang bahid ng malisya ang intensyon ko nang gabing iyon. Pagkatapos naming uminom sa club nina Thalia, umuwi na kami ni Jacob sa aming apartment. Mabilis malasing si Kob kaya naman pagka- uwi pa lamang namin ay nakatulog na siya agad dahil sa kalasingan. Lumabas muna ako ng kwarto namin at nagtimpla ng kape upang matanggal ang kalasingan ko. Inabot na rin ako ng mga alas- dos dahil sa paglalaro ng online games. Mga 2:30, habang nag- fe f*******: ako, nagulat ako ng may biglang nag- ring na phone. Cellphone ni Jacob ang tumutunog. Pumasok ako sa kwarto at nakita kong si Denisse ang tumatawag kaya agad ko itong sinagot dahil baka emergency. "Hello?" bungad ko. "Kob? Hello?" sagot ni Denisse. "Denisse, si Phil ito. Tulog na kasi si Jacob kaya ako na ang sumagot. Bakit? May problema ba?" tanong ko kay Denisse. "Ay hello, Phil. Baka pwedeng pahatid naman sa bahay namin," sabi niya sa akin. Nagulat ako sa sinabing ito ni Denisse. "Ha? May problema ba d'yan? Diba nandyan naman si Nathaniel?" tanong ko sa kanya. "I can't sleep. I need to go home. Mapapagalitan ako kapag wala ako doon mamaya," halatang kinakabahan si Denisse sa kanyang boses. "Okay, sige. Ihatid na lang kita," wika ko. Agad kong ibinaba ang cellphone ni Kob sa tabi niya at ginising ko siya para magpa- alam. "Love... Love... Kob..." Nakailang tapik din ako sa balikat niya subalit wala siyang reaksyon. Nasa kalaliman siya ng kanyang pagtulog kaya naman hindi ko na siya ginising ulit. Hinanap ko ang susi ng sasakyan at dahan- dahang lumabas ng apartment. Sumakay ako sa kotse at pinuntahan ang apartment nina Nat kung saan nandoon si Denisse. Nang nakarating ako sa tapat ng apartment nila, bumusina ako. Nakita kong sumilip sa bintana si Denisse at lumabas agad ng apartment. Pagkasakay ni Denisse ay umalis na rin kami papunta sa bahay nila. "Bakit nga pala hindi ka makatulog dun sa apartment ng pinsan mo?" tanong ko kay Denisse. "I don't know. Hindi ako kumportableng matulog sa hindi ko naman bahay," sagot niya. Patuloy kami sa pag- byahe hanggang sa marating namin ang village nina Denisse. Nasa looban pa ang bahay nila at pagkatapos naming magpaalam sa guard ng village nila, may 10 minuto pa raw bago makarating sa bahay nila. Habang nasa daan kami, napansin kong puro puno ang mga nasa gilid ng kalsada. "Ang layo pa pala," sabi ko sa kanya. "Yeah. Kaya nga gusto kong magpasalamat sa'yo. Diyan mo na lang ako ibaba sa may resthouse. Maglalakad na lang ako," bigkas niya. "Ihahatid na lang kita," I offered. "No need. Baka mas lalo akong mapagalitan," sagot niya. Hindi na ako nagpumilit pa at inihinto ko na lamang ang aking sasakyan sa tapat ng resthouse tutal may mga bahay naman na sa tabi nito. Ilang segundo pa ay hindi pa rin bumababa ng sasakyan si Denisse. Tumingin siya sa akin bago ito nagsalita. "Thank you, Phil" wika niya tapos bigla niyang hinawakan ang aking kamay. Napakunot ako ng noo at tumingin ako sa mga mata niya. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng paghawak niya sa aking mga kamay. "Welcome. Sige na. Baka hinahanap ka na sa bahay niyo," sabi ko upang bumaba na rin siya. Inilapit niya kanyang sarili sa akin hanggang sa mag- tapat ang aming mga mukha. Maganda si Denisse kaya hindi ko maikakailang minsan ay pinagpapantasyahan ko rin siya. Walang ano- ano ay hinawakan niya ang aking mukha at hinalikan niya ang aking mga labi. Hindi ko na rin napigilan ang aking sarili at sinagot ko rin ang kanyang halik. Nanlaki ang aking mga mata kasabay ng lalong pagbilis ng t***k ng puso ko. Sunod niyang ibinaba ang kanyang malambot na kamay sa aking katawan hanggang sa nasagi niya ang aking u***g na siya namang nag- palibog sa akin. Hindi pa siya tumigil at ibinaba niya ang kanyang kamay sa aking unti- unting nagagalit na alaga. Napakagat ako ng labi sa ginawang ito ni Denisse. Naramdaman kong nag- iinit na rin ang aking katawan habang hinahalikan ni Denisse ang aking leeg. Subalit habang ginagawa niya ito, biglang naisip ko si Kob na payapang natutulog sa apartment namin. Naisip ko ang taong mahal ko habang ginagawa ang makamundong gawaing ito. Bahagya kong itinulak si Denisse at binuksan ko ang sasakyan. "Denisse, this is not right. I am in a relationship with the person I truly love, the same person who considers you his friend," sabi ko kay Denisse na tumahimik na lamang nang itinulak ko siya. "Are you saying no to this? to me?" tanong ni Denisse. Umiling ako at nagsalita. "I am rejecting this. I am rejecting you, Denisse. You are my friend. Hanggang dun na lang iyon," I told her. Mahirap mag- reject ng tao pero nilakasan ko ang loob ko dahil alam kong iyong ang tamang gawin at alam kong si Jacob ang mahal ko. Inirapan ako ni Denisse bago niya ibinalibag ang pinto ng aking aking sasakyan. Hinawakan ko ang aking ulo at nagpahinga muna habang pinagmamasdan si Denisse na naglalakad papunta sa bahay nila. Nang pinagbuksan na siya ng gate ay umalis na rin ako. Alam kong muntikan na akong nagpadala sa tawag ng laman pero alam ko ring nilabanan ko ito. Malinis ang intensyon ko nang sinundo ko si Denisse at inihatid siya. Oo. Maganda at sexy siya. Minsan, pantasya ko rin siya. Pero hindi ko siya mahal. Si Jacob ang mahal ko. Pagkabalik ko sa apartment ay agad akong pumasok sa kwarto namin at niyakap si Kob. Masarap pa rin ang tulog niya kaya lumabas muna ako sa kwarto at napainom ako ng tubig upang pakalmahin ang aking sarili. Iniisip ko pa rin ang ginawa sa akin ni Denisse kanina. Iniisip ko pa rin ang sinabi niya. Marahil ay gusto niya ako. Matagal ko na rin itong napapansin simula pa noong high school kami ngunit hindi ko ito pinapansin dahil kaibigan ang turing ko sa kanya. Dahil sa kakaisip ay nakatulog na lamang ako sa sofa hanggang sa nagising ako ng mga alas- 6 dahil sa tawag ni Papa. Gusto raw niya akong makita dahil miss na raw niya ako. Naligo na ako at dumiretso na ako sa restaurant na sinabi ni papa kung saan kami magkikita. Habang nasa daan ako, hinahanap ko ang cellphone ko at na- realize kong naiwan ko ang aking cellphone sa sofa. Hinayaan ko na lamang ito at dumiretso na sa mall kung saan kami magkikita ni papa. Niyakap niya ako at halatang miss na miss na rin niya ako. Sweet talaga ang ama ko dahil na rin siguro iisa akong anak at dahil siguro wala na rin si mama. Kumain kami ng agahan at nag- kumustahan. Nag- shopping muna kami ng mga damit bago kami naghiwalay. Binilhan ko rin si Kob ng almusal at milk tea taro flavor na paborita niya. Masaya akong bumyahe pabalik sa apartment upang ipakita kay Kob ang surpresa ko sa kanyang couple shirt namin. Hawak- hawak ko ang mga binili ko at nang binuksan ko ang pintuan ay bumungad sa aking paningin si Kob na tila hindi maganda ang gising. Naka- upo siya sa dining area, nagkakape at matalim ang tingin niya sa akin. Tumayo siya at tiningnan ako mula ulo hanggang sa paa bago siya nagsalita. "SAAN KA GALING?! ANONG ORAS KA UMALIS?! SINO ANG KASAMA MO?! BAKIT HINDI KA NAG- REREPLY?!!!" Ito ang mga tanong niya sa akin. Sinubukan kong magpaliwanag ngunit hindi niya ako pinagbibigyan. Hindi ko maipaliwanag ang sarili ko hanggang sa inisip na lamang niya ang sa tingin niya ay nangyari. Sa mga pagkakataong iyon, gusto ko siyang yakapin at sabihing nilabanan ko ang tukso dahil mahal ko siya. Pero nakita kong umaapoy siya sa galit sa akin hanggang sa nagdesisyon na lamang siyang nag- impake at umalis. Umalis siyang iba ang bersyon ng katotohanan na bitbit niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD