"I love him. I love him not. He loves me. He loves me not."
Dalawang magkababata na nakaupo sa silong ng puno ng Narra.... Pagkalipas ng tatlong taon na hindi pagpapakita sa akin ni Nat, sa wakas ay nakaharap ko na siya ngayon mismo.
Ngayong magkatabi na kami ng lalaking kinabaliwan ko ng ilang taon, imbes na sobrang saya ay muli kong naalala kung paano ako nagdusa nang iniwan niya ako. Ang saya noong nalaman kong nandito siya sa bayan ay napalitan ng sakit noong nakita ko na siyang muli.
"Kob, Okay ka lang?"
Pagkatapos ng tatlong taon, ito ang mga salitang narinig kong lumabas mula sa bibig ni Nat nang makita niyang napaluha ako. Marahil ito ang pinaka- nakakainsulto na marinig mula sa taong dahilan ng pagdurusa ko noon.
Tumingin ako sa mga mata niya. At sumisigaw ang mga mata ko ng mga salitang nais kong sabihin sa kanya.
Okay lang ba ako?
Nangako siya noon nawalang iwanan. Saksi ang puno ng Narra sa pangako namin sa isa't isa. Dito mismo kung saan kami nakaupo. Pagkatapos naming i- ukit ang pangalang KobNat sa katawan ng puno, pagkatapos naming ibigay ang pulang bracelet na may pangalan ng bawat isa sa amin. Nangako siya. Pero wala eh. Umalis na lang siya bigla kinabukasan na parang wala lang iyong pangako naming mananatili kami sa tabi ng isa't isa. Ni hindi ko man lang narinig ang boses niya samantalang ako, halos mapaos na noon sa kasisigaw ng pangalan niya habang basang-basa sa ulan. Tatlong taon kong hinintay ang text o chat niya. Kung buhay pa ba siya? Kumusta na siya? Mahal pa ba niya ako? Alam ng unan ko na ilang mga gabi akong umiiyak nang umalis siya. Marahil ay mga teenagers pa kami noon pero alam kong totoo ang nararamdan ko sa kanya noon. Siya ang tumulong sa aking bumangon noong nawala si Papa pero siya mismo yung nang- iwan sa akin.
Tapos tatanungin niya ako kung okay lang ba ako?
Nakatitig pa rin sa akin si Nat.
"Ahh, oo. Okay lang ako,"
Ito ang sagot ko sa kanya bagamat alam ko sa sarili kong HINDI. AKO. OKAY. Bakit ganito? Ang dami kong gustong sabihin sa kanya. Gusto kong umiyak sa harap niya. Gusto kong sabihing nasaktan ako noong umalis siya nang walang paalam. Pero sa kabila ng lahat ng ito, ang tanging sagot ko noong tanungin niya ako ay, "Oo. Okay lang ako."
Sinungaling ako dahil ayaw kong ipakita sa kanya na nasaktan ako sa pag- alis niya. Gusto kong makita niya na okay lang ako. Na ako pa rin ito. Ang Kob na kilala niya. Yung Kob na minahal niya Ayaw kong malaman niya na hinintay ko siya. Ang nais ko ay itago sa kanya na labis akong na- apektuhan noong nawala siya.
"Bakit ka lumuluha?" Ito ang sunod na tanong ni Nat.
Sa pagkakataong ito ay tumawa ako nang mahina upang itago ang tunay kong nararamdaman.
"Wala. Masaya lang ako na nandito ka na ulit," sagot ko.
Tumayo si Nat bago nagsalitang muli.
"Kob, ang tagal ko ring hindi nakabisita dito no? Ang laki na talaga ng punong ito," tumingin siya sa puno ng Narra.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo ngunit hindi ako umiimik sa sinabing ito ni Nat.
"Na- miss ko rito, Kob. Na- miss ko ang Sangay. Na- miss ko itong tambayan... itong puno, ikaw," tumingin sa akin si Nat pagkatapos niyang sabihing na- miss niya ako.
Nang marinig ko ang linyang ito mula kay Nat ay hindi ko napigilang ngumiti. May kuryenteng biglang dumaloy sa aking katawan.
"Na- miss din kita, Kob," maikli kong sagot sa kanya.
Isang matamis na ngiti ang nakita ko sa mareno at gwapong na mukha ni Kob. At naramdaman kong bumilis ang t***k ng puso ko. Kob, kumalma ka.
Sana hindi na matapos ang pagkakataong ito. Kaming dalawa ni Nat sa tuktok ng burol na tambayan namin. Pagkatapos ng tatlong taon, muli ay nagkasama at nagkausap.
"Nat, saan ka pala pumunta noon? Bakit umalis ka bigla?" Dahil hindi ko na rin matiis ay tinanong ko na ito kay Nat. Ito ang tanong na matagal ko nang gustong sagutin niya pero tinanong ko lang nang napaka- kaswal.
"Na- excite lang ako sa buhay sa syudad kaya sumama na ako kina mama. Tapos 'yun, na- enjoy ko na kaya di na nakabalik dito," pagkwe- kwento niya.
Bahagya akong nasaktan sa rason na ito ni Nat. Para sa akin napaka- babaw naman na rason ito para umalis dito sa bayan at tumira sa syudad. At nasaktan ako dahil ito lang pala ang katapat ko, ang dahilan upang hindi niya tuparin ang pangako niyang walang iwanan. Pero nagpatuloy ako sa pagtatanong.
"Hindi ka man lang nag- text o nag- chat?" tanong ko.
Naglakad siya papalapit sa aking kinatatayuan. Hinawakan niya ang mga kamay ko na kagaya ng ginagawa ng mga bidang artista sa isang teleserye.
"Sorry, Kob," mahinahon niyang sagot. Napatitig ako sa mukha niya at sa mata niyang nagmamakaawa.
Kumalas ako sa pagkakawak niya sa aking mga kamay at nagsimulang naglakad patungo sa puno na pinag- ukitan namin ng aming pangalan.
Habang pinagmamasdan ko ang nakalagay na KobNat ay sinambit ko ang isang mabigat na tanong.
"Nat, kumusta na tayo? I mean, tayong dalawa. Yung tayo," hindi ko alam kung naintindihan ba ako ni Nat pero sana.
Nagsimulang maglakad papalapit sa kinatatayuan ko si Nat. Nang akma na itong sasagot ay siya namang pinag- ring ng kanyang cellphone.
Tinignan niya kung sino ang tumatawag at agad niya itong sinagot.
"O, Andrea. Bakit?" tanong ni Nat sa kapatid niya.
Malakas ang volume ng tawagan nila kaya naman dinig ko ang kanilang usapan. Isa pa, nasa tabi ko lang naman si Nat.
"Kuya, saan ka na raw? Uuwi na tayo. Hinahanap ka na ni Daddy," ito ang sabi ni Andrea.
Nang marinig ito ni Nat ay biglang nagbago sa awra ng kanyang mukha. Biglang nanlumo at may kaunting kaba.
Walang ano- ano ay niyakap ako ni Nat bago biglang bumaba mula sa tuktok ng burol na tambayan namin. Muli, umalis na naman siyang walang paalam. Pero ngayon, may pabaon na siyang yakap sa akin. Hindi ko nga lang alam kung ilang buwan o taon ko na naman siyang hindi makikita. At hindi ko alam baka iyon na rin ang aming panghuling yakap.
Naiwan ako sa tuktok ng burol na mag- isa. Katulad ng dati. Lagi naman. Tumingala ako sa mayayabong na mga dahon ng Narra na naging parte na rin ng aming istorya. Sa pangalawang pagkakataon, iniwan na naman ako ni Nat nang hindi man lang nasasagot ang huli kong katanungan sa kanya.
Kumusta kaming dalawa? Kumusta ang relasyon namin?
Habang naglalakad ako pababa ng burol ay narinig kong tumunog ang aking Messenger. May nag- chat. Tinignan ko kung sino ang taong nag- chat aa akin at nakita kong ito ay si Denisse.
"Kob, daanan kita mamayang 1 ulit," chat niya.
Ganunpaman ang nangyari sa akin sa tambayan, umuwi pa rin akong nakangiti.
After 3 years, nakita ko na siya ulit. At doon pa lamang ay masaya na ako. At least ngayon, alam ko na rin ang rason kung bakit umalis si Nat noon. Although mababaw na gusto lang pala niyang maging city boy, ayos na rin iyon at least nalaman ko.
Pagkauwi ko ng bahay ay nakita ko sa bintana na naghahanda na ng pagkain sa mesa sina mama at Drake.
"Good morning, momshie and my dear brother!" Ito ang bungad ko kahit nasa pintuan pa lamang ako. Agad akong tumulong sa pag- aayos ng pagkain habang kumakanta.
Napatigil ako sa pag- awit nang napansin kong parehong naka-tingin sa akin sina mama at Drak.
"O, anak. Ano'ng meron at parang ang saya mo ngayong umaga?" tanong sa akin ni mama.
"Yieee. Alam ko 'yan, ma. Siguro nagkita sila ni kuya Nat," epal na sagot nitong si Drake.
"Wala ma, masarap lang po naging tulog ko kagabi. Tsaka today is Sunday! Ano'ng oras po tayo magsisimba, ma?" tanong ko.
"Mamayang alas- 9. Kaya kumain na kayo para makaligo at makapagpalit na rin kayo agad," sabi ni mama.
Pagkatapos naming kumain, naligo at nagpalit na rin kami upang maghanda para sa aming pagsimba.
Tapos na kaming naligo at nagpalit. Kaya naman nagboluntaryo akong maghintay ng sasakyan sa kalsada para may masakyan kami papuntang simbahan.
Pagkalipas ng limang minutong paghihintay ko ay isang Montero ang nakita kong paparating. Sasakyan ni Tito Uly.
Mabilis akong pumasok sa loob ng bahay namin at tinanong kaagad si mama.
"Ma, may kasama ba tayong magsisimba?" tanong ko.
"Oo, anak. Hintayin mo sa labas sina Tito Uly mo," sahot niya.
Bigla akong kinabahan sa sinabing ito ni mama. Sana si Tito Uly lang ang darating ngayon. Sana...
Tumigil sa harap namin ang sasakyan. Unang bumaba si Tito Uly. Umasa akong wala nang bababa pa dahil pakiramdam ko ay hindi pa ako handang harapin si Phil. I mean, not now.
But mapag- biro ang pagkakataon. Bumaba mula sa kabilang pintuan ng sasakyan ang isang lalaking maputi at gwapo. Si Philip nga.
Pagkatapos ng tagpo namin ni Nat kanina ay mas lalong gumulo ang aking isipan. Sa totoo lang, ang gulo- gulo na. May part sa akin na nagi- guilty akong ang saya- saya ko kaninang nagkita kami ni Nat samantalang hindi ko man lang maramdamang sumaya noong nakita ko si Phil na bumaba sa sasakyan ng papa niya.
Pumasok si Tito Uly sa bahay namin at agad akong nagmano sa kanya. Dinaanan lang ako ni Phil at dumiretso siya kay mama upang mag- mano.
Nang makarating ang aming pamilya sa simbahan, hindi ko maiwasang tumingin kay Phil na nasa mismong tabi ko. Hindi pa rin siya umiimik. Sobrang maamo ng mukha ni Phil at eksaktong kabaliktaran ng mukha ni Nat. Mas batang tignan si Phil at mas mature naman si Nat. Noong umulan ng kagwapuhan, sinalo lahat ni Phil. Hindi ka magsasawang titigan ito dahil hindi nakaka- umay ang kanyang kagwapuhan. Si Nat naman iyong malakas ang appeal at sobrang attractive dahil napaka- manly ng itsura at katawan.
Teka. Ano ba ang mga pinagsasabi ko? Hays.
Tumingin ako sa altar at nagpatuloy sa pagdarasal. Dasal ko na sana ay maliwanagan din ang isip at puso ko. Gusto ko si Phil pero alam kong mahal ko si Nat At hindi ganun kadaling pumili.
"Diyos ko, sana ay tulungan po ninyo akong maliwanagan sa mga gusto ko sa buhay ko. Ikaw na po ang bahala sa akin sa aming pamilya," panalangin ko.
Habang nasa daan kami pauwi ng bahay namin galing sa simbahan, kinausap ko na si Phil na laging emotional. Sa aming dalawa, siya ang fragile dahil konting away, iiyak na iyan. Konting away, hindi na namamansin agad- agad at pangmatagalan talagang hindi ako pinapansin lalo na kapag alam niyang ako ang may kasalanan.
"Buti nakauwi ka rin dito," pag- uumpisa ko.
Sa wakas ay umaliwalas na rin ang mabigat niyang mukha nang marinig niyang kinausap ko siya
"Sinundo ako ni Daddy, eh. Kanino ka sasakay mamaya? Sabay na ako," sagot niya.
Papayag ba ako? Kasama namin si Denisse. Well, sa dami ng mga nangyari sa amin ni Nat na hindi niya alam, deserve ni Phil na mapagbigyan naman ngayon. I mean, na makita ang kaibigan namin, sana nga kaibigan, na si Denisse.
Pagkatapos naming mananghalian sa bahay, umalis na si Tito Uly at naiwan na sa bahay si Phil. Ilang minuto pa ay dumating na si Denisse sa harap ng bahay. Bumaba siya saglit upang magmano at kumustahin sina mama at Drake. Sumunod ay dumiretso na kaming tatlo sa Vista City.
Ako ang naka-upo sa harap, sa tabi ni Denisse samantalang sa likod naman si Phil. Masarap ang kwentuhan nina Denisse at Phil pero kung iniisip ninyong nagpaka- bitter na naman ako, hindi. Hinayaan ko lang sila. Ako naman, lumilipad ang aking isipan sa mga nangyari kaninang kasama ko si Nat.
Tulala at nakangiti.
"Kob, okay ka lang?" tanong sa akin ni Phil nang mapansin niyang hindi ako umiimik at nakatulala habang nakangiti.
Lumingon ako sa kanya at binigyan siya ng matamis na ngiti.
"Oh, yes! I am okay. More than okay, actually," ito ang naging sagot ko habang nakangiti dahil kay... Nat.