"Sometimes, you only need that one push from your within to carry out something. There's nothing happier than being freed from your own worries." I am frozen. Tarayan mo ba naman si Abraham. Ikaw ba naman ang aaway sa kanya. Tapos ngayon, katabi mo siya. Ang hirap. Para akong sinasakal. Actually, ngayon, para akong manikin na hindi gumagalaw. Isinumbong kaya niya ako sa parents niya? Nakarating kaya sa kanila ang kahibangan ko? Baka naman maki- kick out na ako rito sa school lalo na't hindi ko pa nagagawang mag- sorry kay Abraham. Balisa pa rin akong nakatitig sa may pisara habang pinakikiramdaman ang sitwasyon namin ng katabi ko. Bago pa man magsalita si ma'am Thessa ay narinig kong nagsalita si Thalia. "Kob, okay ka lang?!" tanong niya. Nagulat ako sa sinabing ito ng kaibigan

