"Too close yet too far..."
Hindi mapakali ang aking isipan habang magkakasama kami sa iisang lugar ng mga taong mahal ko at mahal ako. Hindi ko mawari kung paano ako mag- e enjoy sa ganitong sitwasyon. Sa tuwing nag- ba bangga ang aming paniningin ni Nat ay agad kong binabaling ang aking paningin sa ibang bagay. Si Nat ay hindi apektado nang kahit pa nakaupo kami sa harap ng isa't isa. Malaya siyang nakikipag- kwentuhan kina Thalia, Denisse, at Phil samantalang ako, halos hindi na makaimik. Tinititigan ko na lamang silang mag- usap.
"Jacob, are you okay?" tanong sa akin ni Thalia.
"Ah? Of course. I'm glad listening to your stories," sagot ko.
Tumingin sa akin si Phil na nakaupo sa aking tabi at hinawakan ang aking kamay. Sunod kong nakita si Nat na napatingin sa amin nang hawakan ako ni Phil. Ngumiti ito bago siya nagsalita.
"So, are you guys... friends or what?"
Nanlaki ang aking mga mata at napalunok sa tanong na ito ni Nat.
"They are together," sabat ni Thalia.
"Ehem..." sumingit sa usapan si Denisse na batid ding awkward ang situation ko ngayon. Nag- open siya ng ibang topic para ma- divert ang atensyon nila sa ibang bagay.
"Please excuse me for a second," biglang nagpaalam si Nat.
Tumayo siya at naglakad palabas ng VIP lounge. Ilang minuto pa, napagdesisyonan ko ring lumabas muna at kausapin si Nat. I think deserve ko rin naman ang explanation niya.
"Wait lang," sabi ko kina Phil, Thalia, at Denisse.
Tumayo ako at dumiretso muna sa banyo. Habang naglalakad sa hallway, nakita kong may mga naghahalikan kahit na maraming tao ang napapadaan. Nang nakarating ako sa banyo, may kung anong ingay akong narinig sa cubicle na medyo nagpatawa sa akin.
"Ugh, faster babe," sabi ng isang lalaki.
"Teka lang. H'wag kang magmadali," wika naman ng isa.
Nakatingin ako sa sarili ko sa salamin habang naghuhugas ng aking kamay. Yumuko ako at binasa ang aking mukha upang hindi masyadong matamaan ng alak. Patuloy ang mga tao sa pagpasok sa comfort room. Nang tumayo ako, nakita ko si Nat na lumabas sa kabilang cubicle. Lumapit siya sa may faucet at naghugas din ng kanyang kamay.
"Nat, can we talk?" mahinahon kong tanong.
"Sure. May problema ba?" sambit niya.
"Di mo naman sinabi sa aking may jowa ka na. Ikaw ha," nakangiting sabi niya sa akin.
"Di mo nga ako sinabihang may girlfriend ka na eh tapos kaibigan ko pa," binawi ko ang tingin ko at yumuko para i- off ang faucet.
"Medyo mahabang kwento, Kob. I really wanted to get in touch with you pero..." Nat did not even finish what he was saying.
"I have to go, Kob..." he turned his back to me and started to walk away.
"Nat, iniwasan mo ba ako?" I can't believe I asked this question to Nat. I saw him stopped walking. Humarap siya sa akin at tiningnan ako sa aking mga mata.
"Huwag mo akong tingnan na parang wala lang ako sa'yo, Nat. Ilang taon kang hindi nagpakita o nagparamdam man lang. Hindi ko alam kung may kasalanan ba ako, kung may nagawa ba akong masama sa'yo..."
"Wala," sagot niya.
"Then why? Why do you keep on pretending as if we're strangers? Na parang wala tayong pinagsamahan?" my words were sharp and straight and Nat was not even able to look me in the eyes.
Naglakad ako pabalik sa lounge at iniwan si Nat na nakatayo doon.
Nang nakabalik ako sa VIP lounge ay nagtinginan sina Phil, Thalia, at Denisse sa akin.
"Sorry, kinailangan ko lang tawagan sina mama sa bahay," sabi ko sa kanila. Umupo akong muli sa tabi ni Phil at kinuha ang baso ng beer sabay inom dito. Ilang minuto ang nakalipasay sunod namang dumating si Nat at umupo siya sa tabi ni Thalia.
Habang umiinom kami, nagtanong si Thalia sa akin.
"So Kob, how did you know Nate?"
Nagkatinginan kami ni Nat dahil sa tanong na ito ni Thalia.
"Huh? Um, ano..."
"Siya kasi ang first love ko. Magkababata kami sa Sangay. We spent our childhood days in the sweet company of each other. Noong namatay si papa, siya yung nandoon sa tabi ko at hindi ako iniwan. Lagi kaming tumatambay sa tuktok ng bundok kung saan may may puno na saksi sa pangako niya sa aking hindi niya ako iiwan. May bracelet pa nga kaming dalawa eh, tanda ng aming pagkakaibigan at pagmamahalan. Kaso isang araw, bigla na lamang siyang umalis na hindi man lang ako sinabihan. Iniwan niya ako pagkatapos niyang mangakong mag- i stay siya. Ilang taon ko rin siyang hinintay sa lugar namin. Ni text o chat, wala. Pero kahit na may girlfriend na siya ngayon, mananatili siyang first love ko," ito ang mga salitang gustong- gusto kong isagot sa tanong ni Thalia kung paano kami nagkakilala ni Nat, pero hindi ko masabi.
"Umm, taga- Sangay kaming pareho," maikli kong sagot pagkatapos kong isipin ang kasaysayan namin ni Nat.
Itinuloy na namin ang pag- inom ng alak habang patuloy naman sa kwentuhan sina Thalia, Denisse, at Phil. Napansin kong biglang nag- iba ang timpla ni Nat pagkatapos ng eksena namin sa comfort room kanina. Ako naman, tuloy- tuloy pa rin sa pag- inom sa bote ng beer na nasa harapan ko. Ilang beses din akong pinaalalahanan ni Phil na huwag masyadong uminom nang napansin niyang hindi na ako papigil sa pag- inom. Tumatango lang ako sa kanya ngunit ang katotohanan ay hindi ko naman siya pinapakinggan. Hanggang sa unti- unti na namang umikot ang aking paningin. Hinawakan ko ang aking ulo nang naramdaman kong nahihilo na ako.
"Are you okay? Sabi ko naman kasi sayong h'wag masyado," pagsesermon ni Phil. Hinawakan niya ang ulo ko at inilagay sa kanyang balikat. Ipinikit ko na muna ang aking mga mata habang patuloy sa kwentuhan ang aking mga kaibigan. Isang bagay ang nangungulit sa aking isipan dahil sa tuwing binubuksan ko nang bahagya ang aking mga mata, napapansin kong may mga matang nakatitig sa akin. Ito ay mga tinginan ni Nat na agad naman niyang binabawi sa tuwing nakikita niyang dinidilat ko ang aking mga mata.
Tila kaming mga bitwin na magkalayo sa isa't isa. Para kaming nasa magkabilang mundo. Tulad ng mga batang nagtataguan at naghahabulan, animoy isang kasalanan ang tumingin sa isa't isa.
Isang malakas na tunog mula sa paghampas ng kutsara sa bote ang siyang gumising sa akin nang tuluyan. Nang buksan ko ang aking mga mata at tumingin sa mesa, natanggal na ang mga pagkain at inumin na nakalagay kanina dito. Inilagay na ang mga ito sa mesa sa gilid ng aming couch. Mukhang masaya naman si Thalia nang nag- umpisa itong nagsalita.
"Guys! Let's play!" sabi niya habang itinaas ang hawak- hawak niyang bote na walang laman.
"Ano namang laro 'yan?" tanong ni Denisse.
"Truth or dare," sagot ni Thalia.
Agad namang sumang- ayon ang mga kasama namin na maglaro ng truth or dare dahil na rin siguro sa nababagot na sila. Sa kabilang banda, nakaramdam naman ako ng kauntung kaba lalo na at alam kong nakainom na kami, lalo na ako, baka ano pa ang masabi ko o ipagawa nila sa akin.
"Nate, g ka?" Thalia asked her boyfriend who is currently using his cellphone. When he heard Thalia, he immediately turned off his phone and answered.
"Yeah, sure," Nat responded.
Hindi na nila ako tinanong at dumiretso na si Thalia sa pagpatong ng bote sa ibabaw ng mesa.
Sa unang ikot ng bote, si Denisse ang itinuro nito. Truth ang pinili ni Denisse at si Thalia naman ang nagtanong sa kanya.
"Who is your greatest love?"
Hinintay kong sumagot si Denisse kahit may ideya na ako kung ano ang isasagot niya. I just hope na mali ako. Inabangan ko ang sagot niya at nalaman kong hindi ako nagkakamali.
"Si Phil..." narinig kong sambit niya habang nakatingin sa amin ng boyfriend ko. Ngumiti lamang ako na tila hindi apektado bagamat sa pagkakataong iyon, gusto ko na siyang sabunutan.
"I mean, he was my greatest love during our high school days. Matagal na iyon," dugtong niya. I was shocked when I heard about this. Ang pagkakaintindi ko ay may namagitan sa kanilang dalawa ni Phil. And the worse thing is that, Phil never told me. Ang akala ko ay hindi naging sila. Ang akala ko si Denisse lang ang may gusto kay Phil. Never did I expect that they actually fell in love with each other!
Tumango na lamang ako na tila kumbinsido sa paliwanag ni Denisse. Pagkatapos ay hinawakan ko ang hita ni Phil at pasimple itong kinurot.
Napa- kunot siya ng noo nang tumingin siya sa akin. Ngumisi na lamang ako sa kanya at isinantabi na muna ang isang kasinungalingan niya. Malalagot ka sa akin mamaya. Ilang beses ko na siyang sinigaw sigawan sa aking isipan. Sige ka. Mamaya ka sa aking Phil ka.
Muling pina- ikot ang bote at tumapat naman ito kay Thalia.
"Dare," mabilis na sabi niya.
"Kiss him," ito ang naging utos ni Denisse kay Thalia. Napatingin kaming lahat sa kanya. Nakangiti lamang siya. Nakakaloka talaga itong babaeng ito! Ewan ko ba kung ano ang trip niya. Hindi man lang niya naisip na nandito ako? Tsk. Teka. Bakit ba affected ako kung sakaling maghahalikan sila? That's what lovers do. Besides baka mas masahol pa sa kiss ang nagawa na nila.
"Why are you looking at me? Thalia, kiss my cousin. That's a dare," pag- iinsist niya.
Humarap si Thalia kay Nat. Nakasandal si Nat sa couch at hinayaan nitong si Thalia ang maglapit ng mukha niya sa kanya. Inilabas niya saglit ang kanyang dila at binasa ang kanyang mga labi bago sinunggaban ng halik si Thalia. I can't imagine na ganitong eksena ang napapanood ko ngayon. Sina Nat at Thalia ay naghahalikan sa harapan namin. Bakit ang tagal nilang maghalikan? Grr!
"Okay na 'yan. Next na," I butted in.
Kinuha ko ang bote at pinaikot ito ng mabilis. Nang tumigil ito, si Phil naman ang itunuro niya.
"Dare," wika ni Phil.
Si Thalia ang siyang nagbigay ng utos kay Phil.
"Okay, same dare. Kiss him," utos niya.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabing ito ni Thalia. At mas lalo akong nagulat nang tinitigan ako ni Phil at agad na hinalikan. Labi sa labi. Dila sa dila. Pumikit na lamang ako habang naghahalikan kami ni Phil. Gusto kong makita rin ito ni Nat. Gusto kong malaman niya na kung kaya niya, kaya ko rin.
Pagkatapos ang halikan ay napansin kong tinitingnan ako ni Nat. Agad niya itong binawi nang nakita niyang tumingin ako sa kanya.
Sa muling pag- ikot ng bote, tumapat na ito sa akin. Dahil ayaw kong gawin ang kung ano mang gusto nilang ipagawa sa akin, pinili ko na lamang ang truth.
"Kung pipili ka, your past or your present?" tanong ni Denisse.
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa tanong na ito. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba ito lalo na't nasa harapan ko ang aking past at nasa tabi ko naman ang aking present. Naghihintay pa rin ng sagot si Denisse. Namumuro na siya sa akin!
"Pwede bang ibang tanong na lang? Parang hindi siya sensitive lalo na para kay Phil," sabi ko.
"Okay---"
"No, it's fine. Sagutin mo lang," pahayag ni Phil.
Tumingin ako kay Nat na nakaupo sa harap ko. Ang kanyang maangas na personalidad ay lantad na lantad habang naka- de kwatro ito ng upo at binibigyan ako ng matalim na tingin. Tumingin naman ako sa lalaking nasa tabi ko- si Phil na maamo at napaka- bata ng itsura. Yung tipong maawa ka kahit nagagalit ka kapag tumingin siya sa'yo. Past or Present?
"Syrempre... present. Let bygones be bygones," sagot ko. Hinawakan ko ang kamay ni Phil at niyakap naman niya ako.
Mag- aalas onse na ng gabi ng napagdesisyonan naming umuwi na. Nauna nang lumabas sa VIP lounge sina Thalia at Denisse na pinagkwe- kwentuhan ang isusuot sa Year-End Celeberation namin sa school. Naiwan naman kaming tatlo sa lounge para hanapin ang nawawalang susi ng kotse ni Phil. Agad na tumulong sa paghahanap si Phil. Pagkatapos ng ilang minuto, nahanap din naman ang susi at naglakad na kami palabas ng VIP lounge. Nagulat ako dahil pinagbuksan ako ng pintuan ni Nat. Itinulak niya ang pinto upang mauna akong makalabas. Sumunod naman sa aking likuran si Phil.
"Salamat, bro," utas niya kay Nat. Ngumiti lang si Nat at naglakad na kami palabas ng Elite Club.
Nasa labas na rin ng club na naghihintay sina Thalia at Denisse.
"Ahh Jacob and Phil, hindi na ako sasabay sa inyo. Sa apartment na lang nila Thalia ako matutulog," sabi ni Denisse.
"Sure ka?" tanong ko.
"Yeah. Salamat. Don't worry, kasama ko naman ang pinsan kong si Nat to take care of me if ever," she answered.
Kami naman ang sumunod na nagpaalam sa mga kasamahan namin.
"Thanks for tonight, Thalia! Guys, I enjoyed your company," pagpapasalamat ko. Niyakap ko si Thalia at Denisse. Hindi ko naman mawari kung yayakapin ko ba itong si Nat o hindi.
Tumango na lamang ako at naglakad na papalayo papuntang parking area. Habang naglalakad ako papalayo sa kanila, naaalala ko kung gaano kalayo ang agwat namin ni Nat kanina sa club. Oo. Malapit nga kami sa isa't isa pero parang malayo...