I kept singing while he's driving. Wala naman siyang sinabi tungkol doon. He let me sing kahit halos sirain na ng boses ko ang mga tainga niya. Tumigil ang sasakyan niya kaya nagtaka akong tumingin sa kanya. "We're here," sabi niya nang mapansin ang pagtataka ko. Ginala ko ang tingin sa labas and I was amazed and shocked. We're in a beach. Dito yung sinasabi niyang pupuntahan namin? "Ba't tayo nandito?" I keep looking around. Ang ganda ng paligid. May malaking building sa medyo kalayuan dito na sa pagkakahula ko ay hotel. Kung saan natutulog ang mga turista sa tuwing gusto nilang manatili rito ng mas matagal. "Family reunion," tipid niyang sagot na ikinaharap ko sa kanya. A what? Ba't niya ako dinala kung gano'n? Siguradong dadalo ang ina niya. It's a family reunion after all. "Fam

