Nang marinig ko ang sinabi niya ay kumaripas na ako ng takbo paakyat. Hindi ko na siya pinansin pa at dali-daling tumakbo. "Denise!" sigaw niya pero tuloy pa rin ako sa pagtakbo. Paulit-ulit pa niyang sinigaw ang pangalan ko pero hindi niya sinubukang habulin ako. Malakas kong sinara ang pintuan nang makapasok ako sa kwartong tinutuluhgan ko. Hinihingal akong sumandal sa pintuan at humagalpak ng tawa. Oh my gash! Yung reaksyon niya nakakatawa. Halatang bitin na bitin. Buti na lang at nakatakbo na ako bago pa siya may magawa sa'kin. Hindi ako matigil sa kakatawa. Mission success. Pero ang problema ko lang mamaya ay kung paano ako kakain. Siguradong hindi niya palalagpasin ang ginawa ko sa kanya. Palipasin ko muna siguro ng ilang oras bago ako lumabas. Inabala ko muna ang sarili ko sa

