"Denise, come here!" Nagpapadyak ako sa inis. Kapag may ginagawa siya at hindi ako nakikita ay lagi niya akong tinatawag. Hindi niya ako hinahayaang makawala sa mga mata niya. Tanga ba siya? Paano na ang pagtakas ko nito? Hindi puwedeng magtagal ako rito. Walang gabing hindi niya ako ginalaw. At walang gabing hindi ko siya kinamuhian. "Ano na naman?" naiiritang tanong ko. Nasa laundry room siya ngayon. Siya ang naglalaba ng mga damit namin dahil hindi naman niya tinawagan ang katulong nilang naglalaba ng mga damit namin. Kaya siya ngayon ang gumawa. Pati mga underwears ko ay siya ang naglalaba. Ano naman? Nakita na niya pati loob ko, mahihiya pa akong ipakita ang underwear ko? Nah. "Come here." Tiningnan niya ako ng may panunuya. "Anong gagawin ko diyan?" Tinaasan ko siya ng kilay

