"Tangina ka talaga." Marahas kong tinanggal ang braso niyang nakapalibot sa baywang ko na hinayaan naman niya. He even smirked at me. "Let's go." He grabbed me by the arm. Dinala niya ako sa pinasukan kanina ng kanyang ina. "Dalian mo. Luca's already here," boses ng ina ni Luca ang bumungad sa amin nang makapasok kami ng kusina. Ginala ko ang tingin ko at masasabi ko talagang puro ginto ang mga gamit dito. Mga mamahalin. Nakaupo na ang kanyang ina sa isa sa mga upuan sa hapag. Round table ito na may anim na upuan lamang. Hindi ko alam kung ilang members ang pamilya ni Luca. "Sit beside me," bulong ni Luca at iginaya ako sa isang upuang kaharap ng kanyang ina. Tumingin pa nga siya sa'kin pero agad ding ibinaling kay Luca. Umupo si Luca sa tabi ko at nilagay ang isang kamay sa kandung

