CHAPTER 27: MEMORIES Madilim na ng gabing 'yun ako nakauwi ng bahay. Nagsmudge na ang make up ko at wala akong ganang naglakad patungo sa loob. Hindi ko lang matanggap eh. Masakit. Masakit dito sa puso ko eh. Nadatnan ko si Ney na nag aalalang naglalakad sa sala at nang makita ako ay agad niya akong niyakap. Tinanggap ko ang mahigpit niyang yakap sa akin saka ako sumubsob sa kanyang balikat para umiyak at humagulgol. "I'm sorry", aniya saka hinaplos ang buhok ko ngunit hindi ko kayang magkunwaring okay lang 'yun. Akala ko kasi tanggap ko na. Akala ko kasi wala na... Pero bakit bumalik pa siya? Bakit limot niya ako? Anong nangyari? Humagulgol lang ako hanggang sa nakatulog ako na nakayakap kay Ney. Nagising ako na mabigat ang mga mata at nasa sofa na habang balot ng kumot. Iginala ko ang

