CHAPTER 25: READY Ang sabi ng iba, kailangan ko nang tanggapin lahat lahat. Pero hindi eh. Magbago man ako o kung ano man ang mangyari, patuloy ko siyang hahanapin. Mapapagod din ako, but I'm not going to quit. Hindi ngayon at hindi sa panahong ito. Tatlong taon na rin ang nakalipas ngunit walang senyales ng balita mula kay Eissen. Sa dalawang taong 'yun ay nagpatuloy ako sa aking buhay na kahit masakit, ay tinanggap ko. Sa tulong ng mga kaibigan ko, nakabangon ulit ako. Pero hindi na muli pang maibabalik 'yung Eila na nakilala nila noon. Wala na rin akong philophobia. Nawalan lang ako ng ganang magtiwala sa mga tao sa paligid ko. Hindi ko rin sinisi si Yannie sa kung ano mang nangyari kaya nanatili rin siya sa tabi ko. Hindi ako iniwan ni Ney na nagsilbi ko ng ate kahit na ilang beses

