CHAPTER 5: NAME
Simula no'ng araw na 'yun, di na nakipag usap sa'kin ang manager namin. Tuwing may importante lang at minsan naman pinapalabas agad ako ng opisina niya. Di na rin muling bumalik do'n 'yung babae. Minsan, 'yung mga kaibigan niya lang pero siya, di ko na nakikita. Sa bahay naman, gano'n pa rin. Pero maingat na sa bawat salita ang Tita ko dahil sa banta ko.
Pumasok na ako sa aming silid para sa klase ko. Okay naman ang lahat, ako ang unang nakapasa no'ng pinapagawa sa Chemistry at lahat sila'y gulat na gulat pati na rin ang prof namin na minaliit ako. Discussion, recitation, discussion at quiz. Gano'n pa rin ang tungo ng lahat sa akin. Di na rin ako ginulo ng grupo nila Chloe.
Vacant period, pumunta na naman ako do'n sa library. Sa library do'n sa pinakadulo dahil do'n naman talaga ang laging kong pinupuntahan eh. Bahala na kung sino ang nando'n.
Inabot ko na 'yung malaking module nung encyclopedia para sana maghanap no'ng sa research works na pinapagawa. Pero bago ko pa mabuklat sa susunod na pahina, naagaw na ng atensyon ko ang isang bagay na nakalapag na sa libro. Tiningnan ko naman ang lalaking nasa harap ko at syempre 'yung lalaki na naman.
"Shanteila, 'yung panyo mo oh! Naiwan mo sa'kin no'ng isang araw. Bakit ba kasi lagi kang may naiiwan sa aking gamit?", Aniya na bahagya pang nanunukso ang mga singkit nitong mga mata.
"Tss...", Kinuha ko na 'yung panyo ko at inisnob siya. Pake ko ba dito?
"Ang sungit mo talaga, 'no? At tsaka lagi kang naririto sa lungga ko ah! Miss mo ko?", Nakakairitang tanong nito sa'kin. Tiningnan ko siya at nakita ko ang genuine smile. That smile!
"Wag assuming", irap ko sabay baling sa module.
"Aray naman", Arte nito na bahagya pang humahawak sa dibdib na parang ewan.
"Pwede ba umalis ka nga sa harap ko!", Malamig na sambit ko.
Unti unti siyang lumapit sa akin at itinungo ang kanang kamay sa taas ng aking ulo at unti unting bumaba upang magkalebel kami. Mas kita ko tuloy ang magagandang feature ng mukha niya. Mas mukha pa 'tong babae sa iba dyan eh!
"Eh kung ayaw ko, hmm?", Sabay kagat labi nito. Imbes na bumaling ako sa kanya ay naagaw na lang ang atensyon ko sa piercing niya na hugis krus.
"Pake ko?", Taas kilay kong sambit. Unti unti na siyang lumayo sa akin at tumawa habang umiiling.
"Tss! Babae, di dahil mabait ako sayo, aabuso ka na", seryoso nitong sabi.
"Bakit? Sinabi ko bang maging mabait ka?", Simpleng sagot ko.
"You don't even know me, woman!", Medyo galit nitong tinig.
"Oh kaya! Wag mo 'kong sasabihang mabait ka sakin.", Sarkastikong Sabi ko.
"Why? Do you like me, then?", Simpleng ngiti nito na may bahid ng iritasyon.
"Tss... Kahit kailan di ako magkakagusto sa kagaya mo! You brat!", Pasigaw na sabi ko.
"What? Me? A brat?", Iritadong tanong niya.
"Oo! You're a f*****g brat who doesn't have any kindn--", hinawakan niya ako sa aking mga kamay at tinulak paalis sa lugar na 'yun.
"Leave, woman! Don't come here again.", seryosong sabi niya at tinalikuran na ako.
Naoffend ko ba? Tss. Bahala siya sa buhay niya akala naman niya kung sino siyang gwapo. Damn! Oo na! Gwapo na kung gwapo, ang sama naman ng ugali. But wait? Nasabi ko ba 'yun? s**t. Dapat di ganito nafifeel ko eh! Tangina! 'Yung phobia ko.
"Hey hey hey", natigil ako sa paglalakad nang makita ang cleavage girl dito sa harap ko habang nakahalukipkip. Pinasadahan ko ng tingin ang kanyang damit na ngayon ay nakablack off shoulder na naman at short shorts with heels. Ano bang babaeng 'to? Ano bang course nito?
"Bakit?", I lazily ask.
"Hey girls", baling nito sa mga minions niyang parang asong sunud sunuran naman. May mga hawak itong mga juice at kung anu ano pa.
Oh come on! Ano na naman kaya 'to?
"Bitches go to hell", habang sinasabi niya 'yan nang maarte ay unti unti siyang lumalapit habang hawak hawak ang isang tinake out na kape."Boo", at walang pag aalinlangan niyang ibinuhos sa ulo ko ang medyo mainit init pang kape. "Girls... It's your turn", at sabay sabay na iwinasik sa akin no'ng mga babae ang kung anu anong dala nila.
Shit! H'wag mong patulan Shanteila Margareth!
Hindi pa nakontento si cleavage girl at kinuha pa ang mga gamit ko at ibinalibag sa kung saan at bigla na lang hinawakan ang buhok ko kaya napapikit ako sa sakit no'n.
"Ano ha? Akala mo ang galing mo na? Wala kang karapatang ipahiya ng gano'n si Dad", aniya habang patuloy sa paghigit sa buhok ko.
"Tss! Bakit? Offended kayo?", Sarkastikong sambit na mas lalong nagpairita dahilan ng pagkakabaon ng kuko niya sa braso ko kaya bahagya 'yung humapdi.
"Bakit? Mukha ba kaming pumapatol sa low class na katulad mo?", Walang humor na sabi nito.
"Oh come on. Ask yourself, b***h!", At walang pasubaling na itinulak siya kaya't napaupo siya sa sahig. Wala na akong pake kung may nanonood sa amin o sa mukha kong parang nahulog na sa kanal at ang damit na may bahid na parang basura. Inis at kaartehan ang nabahid sa mukha niya. Tiningnan ko siya ng may panghahamon sa mga mata.
"What's happening here?", Sigaw ng prefect of discipline namin.
Nakatayo na ngayon si Jessie at dinaluhan ng mga kaibigan.
"Ask this b***h, Mrs. Fuental", sabay turo sa akin ni Jessie na nagngingitngit na sa galit. Pinigilan ko na lang ang pagtawa dahil sa mukha niyang parang siya pa ang agriyabyado.
"Watch your mouth, Ms. Fledilyn", galit na tono ni Mrs. Fuental.
"Siya naman ang nauna, Ma'am, eh", turo ni Jessie sa akin kaya't napasinghap ang ilang nanonood sa amin na kung di lang mayaman si Jessie ay ipinagtanggol na ako ng mga 'yun.
"Both of you, now, in my office!", sigaw ni Mrs. Fuental at tumalikod na samin.
Nauna nang maglakad ang grupo ni Jessie at ako naman ay dumiretso na sa girl's room para makapaghilamos. Tinitigan ko nang maigi ang mukha ko sa salamin.
"H'wag mong patulan ang mga 'yan, Shanteila", bulong ko sa sarili ko at hinugasan na ang mukha at binasa na din maging ang buhok at kalauna'y itinali no'ng medyo okay na. Tiningnan ko ang suot ko. Kailangan ko ng pumunta do'n at baka maexpel pa ako dito.
Pagkapasok ko ng opisina ay nakita ko na agad ang nagkakatuwaang babae. Parang lagi na lang na ganito ah. Napawi ang ngiti ng dalawa ng pumasok na ako sa loob. Nanatili akong nakatayo do'n.
"Oh Ms. Harlyn. Akala ko'y di ka na sisipot", natatawang banggit ng ginagalang na matanda habang ang mga mata nito'y natuon sa damit ko.
"Oh by the way. Sana nagbihis ka muna bago ka pumunta dito tutal ang tagal mo namang nakasunod", nagtawanan ang dalawa dahil sa natanggap kong insulto.
"Oh, I'm sorry about that", simpleng sagot ko.
"Well you may si----",
"No, Ma'am. Panatilihin mo na lang siyang nakatayo baka kasi madumihan 'yung upuan", sabay tawa na naman ng dalawa.
Ganito ba talaga ang mga tao? Ang babaw ng kasiyahan.
"So let's get to the point", Sabi ng matanda.
"So for now, base sa nangyari, si Ms. Fledilyn ang may kasalanan pero may minor cause din si Ms. Harlyn and ----",
"Oh no, Ma'am! My daddy can do anything for this. You know!", sabay kindat nito sa matanda.
"How about you, Ms. Harlyn?", Baling ng dalawa sa akin.
"I will take the consequences", malamig kong sambit.
"Tss. Baka maexpel ka niyan", insulto sa akin ni Jessie.
"Oh. Let's just wait for the decision of the owner of this school", pasubaling ni Ma'am.
"Tss. I know that will be good for me", mayabang na sabi ni Jessie.
"Oh, just wait for this ,Jessie. But I guess so", kibit balikat ng matanda.
"Uhmm excuse me. I will just change my clothes", malamig kong sambit.
"Go on. Ipapatawag na kita pag nandito na 'yung may ari", Sabi ni Ma'am at mabilis na akong lumabas doon. Nagtungo ako sa locker ko at nagpunta na sa CR na may shower. Nagbihis ako ng another white shirt at jeans. Pumunta ako doon sa pinangyarihan ng away at hinarap doon ang gamit ko pero wala na. Abala ako sa paghahanap ng may narinig na nagbubulungan malapit sa akin.
"Siya 'yun, 'di ba? Lapitan mo na", bulong ng mga lalaki sa kasamahan nito. Freshmen ata ang mga 'to, eh.
Tumikhim ang isa at dumiretso sa akin. "Ahh, eh. Ikaw po ba ate si Ms. Harlyn?", Nahihiyang sambit no'ng lalaki. Kasing tangkad ko siya, maputi at medyo gwapo.
"Ako nga. Bakit?", Simpleng balik ko.
"Ah uhmm pinap-p-punta po kayo sa office", nauutal nitong sambit at umalis na ako do'n.
Am I rude?
"What the hell? No! Di ako pwedeng masuspend", galit na sigaw ni Jessie sa loob ng opisina.
"My dad can do anything for this", halos maiyak na siya base sa boses niya.
"Edi dun ka sa tatay mo mag aral", dinig ko sa boses ng lalaking nagsalita. May kaboses siya pero uhmm?
Imposible naman ata?
"Mr. Vancleef, your mouth please", Sabi ng matandang babae sa lalaki.
"Antagal naman ni Shanteila. Pinapunta mo na ba, tanda?", Tanong nito sa matanda kaya't mabilis ko nang binuksan ang pinto. Natigil ang lahat ng nando'n na napatingin sa akin pero napabaling ako sa lalaking nakaupo sa sofa habang nakataas ang mga paa sa lamesa sa harap no'n habang nakawhite shirt na at ang jacket ay nakatalukbong sa ulo habang may nakasubong lollipop sa bibig nito. That jerk again?
"Hi", masayang bati nito sa akin na parang di galit kanina.
"Wa-wait! Magkakilala kayo?", Halos nagpapanic nang boses ni Jessie. The jerk just smirked at her.
"Aba, syempre! Siya lang naman ang babaeng di gumagalang sa akin, eh!", seryosong banggit ng lalaki habang nakapout at pinapalandas ang kinakain sa labi. Ugh! What the heck?!
"So, kung ganoon pala, Mr. Vancleef, dapat siya ang maexpel--",
"Ayoko", sambit ng lalaki.
"Ba't ka nandito?", Di ko na napigilan ang bibig ko kaya't nagulat ang mga tao roon.
"Miss mo ko, 'no?", Nakasingkit na ngisi nito sa 'kin at ang dalawa ay pinagmamasdan na kami.
"Shut up, you jerk", irap ko kaya naman mabilis na tumawa 'yung loko.
"Ano 'to, huh?", Sabay pa ang dalawang babae na nagtanong sa amin.
"Ah, wala naman tanda. So, tapos ang usapan. Masususpend si Ms. Fledilyn at ang mananatili ay si Shan", maligayang sambit nito at inalis na ang jacket sa ulo kaya nagkamessy hair 'yung gago. Pero, s**t bakit Ang hot ng jerk na 'to?
Anong sabi mo, Shanteila?
"No no no! Walang hiya ka, Eila! Ginagamit mo ang kalandian mo dito sa university—",
"Stop with your bullshits, Miss, o baka gusto mong tuluyan nang makick out?", Seryosong tinig ng jerk kay Jessie na halos iluwa na ang dibdib para sa jerk na 'to.
Sino kaya sa atin ang malandi? Hmp.
"No, Frost! Wala kang karapatan dito", sigaw ni Jessie sa kay Frost? Habang ang matanda naman ay napakurap kurap sa sinabi ng babae.
"Do you want to know my name, Shan?", Kindat nito sa akin. Napairap na lang ako.
"Well. Le' me introduce myself in front of you", pormal nitong sambit at tumayo mismo sa harapan ko..
"Hear me out, Shanteila. My name is Eissen Frost Vancleef, ang anak ng may ari ng paaralang inaapakan mo, woman.", Sabay kindat nito sakin.
Malamig na titig ang ipinukol ko sa kanya habang siya naman ay tuwang tuwang lumalapit sa akin. Nagwalk out na si Jessie. And what? Anong pangalan nito?
Vancleef?
Vancleef University?
It's insane!