Chapter 40

1471 Words

Kinabukasan, nagising si KJ dahil sa mabining hanging dumadampi sa kaniyang pisngi. Huminga siya nang malalim at nakangiting sinamyo ang sariwang hanging kaniyang nalalanghap. Napakasarap sa pakiramdam ng hangin at ang katahimikan sa kaniyang paligid na ang tanging naririnig lamang niya ay ang mahinang paghampas ng alon. Agad siyang napamulat at napabangon saka inilibot ang kaniyang paningin sa loob ng silid kung saan siya naroroon. Makailang ulit din niyang kinusot-kusot ang kaniyang mga mata upang masigurong hindi siya namamalik-mata. At nang hindi pa rin makuntento, kinurot niya ang kaniyang braso para siguraduhing hindi nga iyon panaginip. Awww! Aniya saka hinimas ang nasaktang braso. Nakumperma niyang hindi nga siya nananaginip at nasa ibang lugar siya. Madali siyang tumayo sa kama

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD