Chapter 32

1783 Words

“KJ, naka-ready na ba iyong mga gamit ko para bukas?” Napalingon si KJ nang marinig ang tinig ni Ron. Kasalukuyan siyang nasa loob ng silid nito at isinisilid sa loob ng maleta nito ang mga gamit na dadalhin nila para sa shoot nito bukas. “Patapos na! May idadagdag ka pa ba?” malakas niyang tugon dito habang ipinagpapatuloy na ang pagsasalansan ng mga gamit nito sa loob ng bagahe. “Wala na. Bilisan mo na lang diyan para makapagpahinga na tayo. Masyadong maaga ang call time kaya dapat lang na magpahinga na tayo.” “Okay!” tanging sagot niya saka isinara ang maletang inihanda niya para rito at itinabi iyon sa gilid ng closet nito bago siya lumabas ng kuwarto ni Ron. Nadaanan pa niya ito sa sala na may kausap sa cellphone kaya hindi na niya inabala pa ang binata at nagtuloy na lang sa ka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD