Parang tangang nakangiti si Ron habang pinapanood ang eksena kaninang mag-propose siya kay KJ. Tuwang-tuwa siya sa reaksiyon ng babaeng ni hindi man lang yata nagawang magsuklay ng buhok bago lumabas ng bahay ng mga ito. Nasa ganoon siyang sitwasyon nang pumasok si Monique sa loob ng kaniyang unit at pabagsak na ipinatong ang bag sa ibabaw ng center table. “What’s wrong with you Ron? Ano na namang katarantaduhan itong ginawa mo?” Tila galit na galit si Monique habang nakapamaywang ito’t palakad-lakad sa kaniyang harapan. Saglit niyang sinulyapan ang manager, saka muling ipinagpatuloy ang panood ng video na paulit-ulit na niyang pinapanood mula kanina. Nagulat pa si Ron nang bigla na lang mawala sa kaniyang kamay ang kaniyang cellphone. “Hey!” protesta niya kay Monique saka akmang aagawi

