Nanginginig sa lamig si KJ kahit pa balot na balot naman siya ng kumot. Mabigat ang kaniyang pakiramdam at inaapoy siya ng lagnat. Hindi niya malaman kung paanong baluktot pa ang gagawin niya maibsan lamang ang pangangatog ng buo niyang katawan. “Hey, are you okay?” narinig niyang tanong ni Ron na kapapasok lang ng silid na kaniyang inuokupa. Lumapit ang binata sa kaniya at hinaplos ang kaniyang pisngi. Maya-maya pa ay sinalat na rin nito ang kaniyang noo ay leeg. “KJ, ang taas ng lagnat mo! Bakit hindi ka nagsasabi?” nag-aalalang tanong nito sa kaniya saka ito mabilis na tumayo at saglit na umalis sa kaniyang tabi. Napaungol naman siya bilang pagtutol ngunit ‘di rin naman nagtagal ay bumalik ito na may bitbit na makapal na kumot. Agad siyang nakaramdam ng konting kaginhawahan nang ip

