Habang nakasilip sa may pintuan ay tanaw niya ang daddy niyang nakatingin kay Igo habang si Daniel ay kung anu-ano ang sinasabi sa kasintahan niya. Gusto sana niyang lapitan si Igo, pero natatakot siya sa sasabihin nito sa kanya. Ayaw niyang magalit ito. Pero nandoon ang takot na may posibilidad talaga na hindi pakinggan ni Igo ang paliwanag niya. Ngayong nandito ang daddy niya at si Daniel. "Mga ginoo sino po ba talaga kayo? Wala po akong kinidnap tulad ng ibinibintang ninyo sa akin. Kung may kasama man ako dito sa bahay, kasintahan ko po iyon." Paliwanag ni Igo na parang naiinis na rin sa paulit-ulit na pagpapaliwanag. "Wala? Sigurado kang wala kang tinago? Girlfriend? Sigurado kang girlfriend mo ang sinasabi mo? Kung ito naman talaga ang bahay na sinasabi ng nagturo sa amin na nandit

