Dalawang araw ang itinagal ni Shey sa ospital. Dala na rin ng sobrang pag-iisip noong nakaraan kaya naman pinayuhan ito ng doktor na manatili muna ng ospital. Pagkababa ng sasakyan ay hindi kaagad nakakilos ang tatlo. Nakatingin kang sina Igo sa malaking bahay na nasa kanilang harapan. Si Shey naman ay inihatid ng daddy nito at ni Yaya Lourdes papasok sa loob ng bahay. "Igo ang yaman naman ni Shey ang laki ng bahay." Puna ni Cy na ikinabuntong hininga ni Igo. Nakatitig lang din naman si Jose sa dalawa. "Masyado nga silang mayaman. Hindi ko naman akalaing ganito. Pero minahal ko lang naman si Shey bilang s'ya. Hindi ko naman expectedang ganito." Sagot ni Igo na napatinging muli sa malaking bahay. "Hindi ako hinayaan ng daddy ni Shey na magbayad ng bills sa ospital. Nahihiya ako bigla b

