Tahimik pero akala mo ay hindi napapagod si Igo sa kanyang ginagawa. Pati kasi pagbubuhat na dapat si Jose at Cy ang gagawa ay ginagawa din ni Igo. Halos nga agawan na ni Igo ng trabaho ang iba pang kasamahang trabahador. Pare-pareho lang naman sila ng sahod. Pero sa oras na iyon hindi pantay ang kanilang trabaho. Ipinaliwanag na lang ni Cy ang pinagdadaanan ng kaibigan nila, kaya naman hinayaan nila ito. Bukod pa sa petiks na sila. Buo pa ang sahod. Iyon nga lang ay hindi lang si Cy at Jose ang naaawa kay Igo. Lahat tuloy ng kasamahan nila sa palengke at nakakakilala dito. Alam nilang nasasaktan ang kaibigan nila. Pero gusto na talaga nila itong tuktukan sa kat*ngahang meron ito. After ng sobrang nakakapagod na trabaho biglang kargador ay iinom naman ito. Kahit sila na umiiwas na sa alak

