"Nasaan ka na naman ba Terrence? Nakakainis ka na.Lagi ka na lang nawawala." Mula nang naayos ang gusot kay Heidy bihira na naman kung magpakita si Terrence.Hindi tuloy maiwasang mag-alala ni Hanna.Kung ano-ano namang ka-praningan ang naiisip niya.Na baka nauntog na si Terrence at ayaw na sa kanya.Naisip niya tuloy na sana tinanggap niya na lang ang proposal nito at sana hindi na lang siya nag-inarte. "Hmp, sumuko na kaya siya? Ayaw na kaya niya sa akin?" para siyang sirang kinakausap ang sarili. Madaling araw nang biglang tumunog ang cell phone ni Hanna.Tila naalimpungatan pa siya nang sagutin ito. "Hello, Hon?" agad na bungad niya. "Sino'ng Hon ang tinutukoy mo diyan? May boyfriend ka na? Are you expecting a call from someone?" boses ng Ate Harlene niya na noo'y nasa kabilang linya.

