KABANATA 13 (THE FIRST IMPRESSION)

1280 Words
*TRESHIA POINT'S OF VIEW* "Sobra-sobra naman tong regalo na binigay mo sa akin sir rex. Hindi ko ata matatanggap 'to eh!" Alanganin kong sabi sa kaniya ng ibigay niya sa akin ang isang maliit na paper bag na may lamang naka box na mamahaling Cellphone na Touch screen. "ano kaba treshia, matagal na tayong mag kaibigan ngayon kapa ba mahihiya sa akin. Tsaka, wala kasi tayong kumyunikasyon kapag nalalayo tayo sa isat-isa, Gusto ko palagi kitang nakakausap." Seryuso niyang sabi sa akin na ikina-init na naman ng aking mukha. Ngumiti nalang ako sa kanya at tumango kapag ganito wala na akong magagawa. "oh sige na nga, Salamat dito ha? mukhang dalawang buwan ko na ata itong sweldo eh!"-sabi ko nalang na ikinatawa niya. "wag mo na ngang isipin ang gastos. tsaka na e-phone book ko na diyan yung number ko, kaya tawagan at e-text mo ako palagi ha! at palagi mong sasagutin ang tawag ko okay ba 'yon?" Wika niya na ani moy pinag babantaan ako, natawa naman ako sa hitsura niya dahil nakataas ang kilay niya at ang cute-cute niya tingnan sa ganong hitsura. "Oo na po. Sige na, aalis na ako-" "hatid na kita." Bahagya akong natigilan sa sinabi niya. 'nakuh lagot!' "ah-hindi na kailangan sir rex-" "hys! Kanina pa ako naiinis sa kaka-sir rex mo. nakakilang pakinggan eh! sinabi ko naman sayo na wag mo na akong tatawaging sir. were just friends-" "Bestfriend nga kita, pero may ari ka parin ng mall na pinapasukan ko kaya dapat lang na sir ang itawag ko sayo." "tsk! ang kulit mo talaga, bahala ka na nga ang tigas ng ulo mo, ihahatid na kita sa inyo tara-" Natigilan ako ng hawakan niya ang aking kamay at akmang hihilahin. "why?"-taka niyang tanong na nakakunot ang noo. "ah-hindi na kasi ako naka stay sa bahay, may tinuluyan na ako ngayon diyan lang sa malapit kaya okay lang na hindi mo na ako ihatid, kaya ko naman ang sarili ko eh!" Pinilit kong ngumiti sa kaniya para ipakita na okay lang talaga ako. "treshia it's seven o'clock at night, ayuko naman na umuwi kang mag isa at nag aabang na masasakyan pauwi, paano nalang kung mabastos ka diyan sa daan? Paano kung repes pala ang driver na masasakyan mo? paano-" "hep-hep-hep?" Pagpipigil ko sa kaniya at bahagya ko pamg itinaas ang aking dalawang kamay. "Tama na okay? Masyado ka nag O-overthink, hindi naman siguro no-" "still No! hindi parin ako papayag na hindi kita mahatid, kahit diyan pa yan sa kanto ihahatid parin kita, because i want to make sure that you are safe?" Ma awtoridad niyang wika bagamat may kasamamg pag aalala. ang kulit talaga ng lalaking ito, hys! wala na talaga akong magagawa, bahala na nga. Tinanguan ko nalang siya at bumuntong hininga, kung magtatanong siya saakin bahala na si batman kung ano man ang masagot ko hys! "good! so let's go." Sabi niya at hinawakan niya na ang aking kamay at iginaya papunta kung saan ang kaniyang kotse naka park. Natigilan ako ng makapasok ako sa loob ng condo unit ng makita ko siyang naka upo sa sofa at nakaharap sa kaniyang lop top na seryusong naka tingin sa akin. nakaramdam na naman ako ng kirot sa aking puso ng makita ko ang kaniyang pagmumukha. hindi ko nalang siya pinansin at diri-diritso akong nag lakad papasok ng kwarto. Bumuntong hininga ako at umupo sa gilid ng kama habang tinatanggal ko ang aking suot na sapatos at medyas, ng sumunod siyang pumasok na dala-dala ang kaniyang lop top. "where have you been." Napaangat ako ng tingin sa kaniya matapos kong matanggal ang aking medyas at tinabi iyon sa gilid. Tss! pagkatapos ng mga sinabi niya sa akin, may balak pa siyang makipag usap, tyaka ano bang pakialam niya buhay ko naman ito at siya narin nag sabi na wala kaming pakialamanan. anong klasing palabas to! hindi ko nalang siya sinagot dahil mukhang hindi naman iyon patanong, diritso na akong humiga sa kama dahil feelling ko sobra akong napagod ipipikit ko na sana ang aking mga mata ng bigla nanaman siyang magsalita. "Bumangon ka nga diyan? Napagod ako sa trabahu at marami pa akong gagawin kaya ipag timpla mo ako ng kape." ma awtoridad niyang sabi na ikinainis ko. ang kapal talaga ng mukha, siya lang ba napagod? kung makaasta akala mo walang nangyare. "hindi kaba babangon diyan oh bubuhatin nalang kita-" Inis akong bumalikwas ng upo sa kama at sinamaan ko siya ng tingin. "ano bang problema mo? pwede ba? Wala akong panahon makipag talo sayo dahil pagod ako-" "at bakit ka naman napagod? Ah-Oo nga pala, buong araw kang wala rito at ngayon kalang umuwi kaya napagod ka, so anong ginawa mo buong araw?" Seryuso niyang tanong na ikinataas ng aking kilay. ano bang nangyayare sa lalaking ito? Kahapon lang ay pinag salitaan ako ng masasakit, tapos ngayon parang umaakto na may pakialam. "ano namang pakialam mo? diba't ikaw narin ang nag sabi na wala tayong pakialamanan sa isat-isa? so bakit ka pa nagtatanong?" Nakita ko na bigla siyang natigilan sa aking sinabi. "sa tingin mo ba talaga may pakialam ako sayo? tss, kung hindi lang nangungulit sa akin si mommy na magtanong kung nasan ka, hindi naman ako mag aatubiling mag tanong sayo. I will never come into your life!" Malamig niyang sabi saka inilagay sa bag niya ang kaniyang loptop at kinuha ang kaniyang black bleazer saka lumabas na dala ang bag. naiwan ako na naka tanga nanaman dahil sa sinabi niya. Oo nga pala, bakit ko naman iisipin na may pakiaalm siya sakin. kahit kilan, hinding hindi siya magkakaroon ng pakialam sakin. Nagesing ako dahil sa ingay, kaya minulat ko ang aking mga mata at nakita ko ang cellphone na niregalo sa akin ni rex na nakapatong sa side table ng kama, kinuha ko ito at nakapikit na sinagot ang tawag dahil inaantok pa ako. "Good Morning."-rinig kong masayang bati sa akin ni rex. "good morning din."-sagot ko na inaantok parin. "Bangon ka na diyan may pupuntahan tayo." "pupuntahan? saan naman tayo pupunta eh may trabahu pa ako-" Agad akong natigilan dahil sa aking sinabi. Oo nga pala may trabahu pa ako kaya agad akong bumalikwas ng upo sa kama at buhay na buhay na ngayon ang aking mga mata. "hey relax! Ako ang boss mo kaya wala kang dapat na ipag alala. Maligo kana at magbihis, nag hihintay ako sayo dito sa parking lot ng building." Nanlaki ang aking mata sa gulat. Hala! Bakit naman siya naghihintay sa akin sa parking Lot? hyss! dali-dali akong umalis sa kama at diritsong pumunta ng banyo para maligo. Nagtataka na inayos ko ang aking sarili sa di gaanong kalakihan na salamin na nasa side table. hindi ko pala napansin kanina na wala si zean, hindi nanaman siya umuwi kagabi. Hyss! dalawang araw na siyang hindi dito natutulog. ganon ba siya ka diring-diri sa akin at ayaw niya akong makatabi sa higaan? Hyss! pinilit ko nalang iwinaksi sa aking isipan ang lalaking iyon at sinukbit kona sa aking balikat ang aking cutie bag na kulay peach at tuluyan ng lumabas ng condo. Pag dating ko sa parking lot ay agad ko siyang nakita na masayang nakatayo at nakasandal sa kaniyang kotse habang nakapa mulsahan pa. "Hi, how's your sleep?" Nakangiti niyang tanong ng maka lapit ako sa kaniya. ghad! Bakit ba napaka gwapo ng best friend ko na'toh! Wearing color navy blue long sleeved and black trouser pants is look's more handsome look to him. "Oo naman, tika nga saan ba tayo pupunta?"-tanong ko sa kaniya. "basta." Iyon lang ang sinabi niya at binuksan niya na ang pinto ng kaniyang kotse sa unahan. Ngumiti nalang ako sa kaniya at sumakay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD