Gresilda
*
*
" Dahan-dahan ko iminulat ang mga mata ko. Inunat ko ang magkabilang braso ko dahan-dahan ako bumangon bumaba sa kama napatingin ako sa hita ko nagtataka ako bakit ang liit ng hita ko tinaas ko ang isang binti ko. Nanlaki ang mga mata ko napatingin ako sa kamay ko ganon nalang ang Panlalaki ng mga mata ko kapagtanto ko na Ang liit ko.
Pumikit ako gamit ang kapangyarihan ko sinilip ko ang pangyayari pagkatapos namin maglaho kasambay ng buhawi, Sinilip ko ang nakaraan unti-unting pumasok sa alaala ko ang lahat ng nangyari ang sumpang ginawa ni Kuya.
" Hayst! Bakit kasi nabubuhay kami sa isang sumpa? Kaya kami nabubuhay ni Kuya dahil sa sinumpa kami ng mahigpit isang libong kadugo namin. Mabubuhay kami at magkakaroon ng mga anak at magpapatuloy kaming mabubuhay kahit na maglaho ang aming kaluluwa. Ibig sabihin kailangan sunugin ang kaming katawan sa oras na pumanaw kami. Kung hindi muling babangon ang aming katawan at magiging masama na ito. Kami ni Kuya ay Cursed princess and prince. At dahil sa sinumpa ulit ako ni Kuya kaya ito ako may pagsubok na nakalaan saakin pambihira. "
Bumaba ako sa kama napangiti ako Nasa modern house kami. Ibig sabihin nasa mundo kami ng mga tao.
Akmang maglalakad ako pero bumagsak ako walang lakas ang tuhod ko.
Napatingin ako sa bumukas na pinto nakaawang ang bibig ko
" Grizel gising kana?" Masaya na wika ng pamilyar na lalaki
" Anong ginagawa niya dito? Ang nasilip ko lang sa nakaraan ang pagbawi ni Kuya sa sumpa ko Kapalit ng panibagong sumpa. At ang plano manirahan kasama ang mga tao. Pero paano napunta dito si Ryxiel?" Katanungan sa isipan ko
" Ryxiel ang pangalan ko nakatira ako sa kabilang kalsada magkatapat ang mga lupain nyo at lupain ko. Araw-araw ako nandito binabantayan ka. Madalas kasi wala ang Kuya mo nasa Trabaho. Huwag kang matakot mabait ako." Masaya na wika ni Ryxiel bakas ang kasiyahan sa kanyang boses
" Tinamaan ka ng lintik! Malilintikan talaga saakin si Kuya gusto talaga niya mabigo ako sa pag-ibig para masilayan niya kung gaano kasama ang tulad ko. Pasaway ang Prinsipe na yon humanda siya saakin. " Piping sambit ko
" Huwag kang lumapit! Layassss. Ayuko sayo pangit ka." Galit na sigaw ko
Napatulala si Ryxiel napatampal ako sa aking noo pati boses ko ang liit din sa tingin ko nasa 10 to 15 years old ang katawan ko.
" Cute! So fvckin cute." Wala sa sarili na wika ni Ryxiel
Nakakunot noo lang ako habang Pinagmamasdan si Ryxiel nagmamadali sa paglapit saakin.
" Mate." Bulong niya ngunit malinaw ko yon narinig
" Gorgeous." Sambit nito
Sa paningin ko para siyang baliw na obsessed saakin. Paglapit niya saakin agad niya hinawakan ang dulo ng buhok ko inamoy niya ito nanginginig din ang kamay niya na hinawakan ang kamang kamay ko. Dahan-dahan niya hinalikan ang kamay ko
" Dito ka lang ipagluluto kita ng lugaw. Sampong taon kang natulog sabi ng doctor wala naman daw problema sayo. Malusog ka naman daw. Dito ka lang ipagluluto kita ng Lugaw ." Wika niya hindi niya alam kung paano kumilos ng maayos sa harapan ko
Napangiwi ako parang ibang Ryxiel ang nasa harapan ko. Dati pilyo siya ng makilala ko siya sa katawan ako ng tao. Ngunit ngayon nandito na ako sa totoong katawan ko. Buong-buo na ako pati kaluluwa at katawan ko iisa na kaya malakas na ulit kapangyarihan ko.
Nanatili ako bigla ako binuhat ni Ryxiel Pinaupo sa gitna ng kama. Napangiwi ako hindi nakaligtas saakin ang pasemple niyang paghalik sa Ulo ko
" Lalabas na ako ipagluluto kita
Tatawagan ko din ang Kapatid mo." Nakangiti na wika ni Ryxiel nagmamadali siya sa paglabas ng Silid ko
" Hinding-hindi ako iibig. Sabi mo dati pangit ako ngayon maganda na ako Hinding-hindi ako iibig kung Kapalit nito ay matinding sakit na magiging sanhi ng kabiguan ko. Sa Oras na mangyari iyon lahat ng may dugong Witch at wizard mawawalan ng kapangyarihan kasama doon ang Royal Wolf blood. Mabibilanggo ako sa isang Lugar na tanging sa Dilim lang makikita. Nakakatakot ang sumpa ng Prince. " Piping sambit ko
Napahinga ako ng malalim naiinis nakabalik na ako sa katawan ko ngunit binalik naman ako ni Kuya sa batang katawan Kaya hindi ko maintindihan kung bakit nandito si Ryxiel. Sinadya ba ni Kuya na mapalapit ako kay Ryxiel.
Pumikit ako pinagaling ko ang sarili ko unti-unti bumalik ang lakas ng katawan ko. Nagawa ko nang bumaba sa kama at maglakad papunta sa banyo.
Habang naliligo ako naisip ko kung ano ang ginagawa ni Kuya mukhang nag eenjoy siya sa mundo ng mga tao.
" Tandaan mo Griselda! Kahit Ilang daang taon kapa pumanaw at isilang paulit-ulit kitang hahanapin at kikitilan ng buhay."
Natigilan ako sa pagsasabon ng aking katawan. Naalala ko ang nakatalukbong na nilalang.
" Kailangan ko bumalik sa pinanggalingan namin. Kailangan ko balikan ang nakaraan para malaman kung sino ang kalaban ko. Dapat mahanap ko ang Witch spirit na yon. Ang Witch spirit na yon may dugo siya ng Demonyo mas mapanganib kung pababayaan namin. Nakalimutan ko ang tungkol sakanya. Ngayon nakabalik na ako sa katawan ko mas mapanganib na ngayon. Kahit na malakas ako hindi ko pwede gamitin ng basta-basta ang kapangyarihan ko.
Natigilan ako sa pag-iisip narinig ko ang boses ng Kapatid ko
" Grizel 30 minutes kana d'yan. Labas na nakahanda na ang Lugaw mo. " Pasigaw na wika ni Kuya
Nagmamadali ako sa paliligo excited ako mayakap ang Kapatid ko.
Nakasuot lang ako ng Robe paglabas ko ng banyo.
Paglabas ko bumungad saakin ang nakangiti na mukha ng Kapatid ko napatulala ako lumapad ang katawan ng Kapatid ko mas makisig na siya ngayon lagpas balikat parin ang natural na curly blonde hair niya.
" Kuyaaaaaaaaaa." Masaya na tawag ko
Akmang yayakapin ko siya nagmasalita siya
" 15 years old kana kaya nagdadalaga kana magbihis ka muna." Nakangisi na wika ni Kuya
Naiinis na dinampot ko ang damit sa ibabaw ng kama pumasok ako sa banyo at nagbihis ng pulang bistida paglabas ko sinalubong ako ni Kuya ng Mahigpit na yakap
" Magsimula tayong muli. Subukan mo tanggapin ang Tadhana na nakalaan sayo. Ang sumpang Nanalaytay sa dugo natin ay mawawala lang kung ang isa saatin ay magkakaroon ng supling. Natagpuan mo na ang lalaking nakatadhana sayo. Ibigin mo siya at ibigay mo ang nag-iisang kayamanan mo. Sikapin mo na magkaroon ng anak kay Ryxiel kahit na ikabigo mo pa ito. Kung Kapalit naman nito ang kalayaan natin sa sumpang ng isang daang libong Kalahi natin. " Mahabang pakiusap ni Kuya
Natigilan ako napapikit nalang ako niyakap ko si Kuya kinulong ako ni Kuya sa kanyang bisig umiyak ako ng umiyak hindi ako nagsalita basta lang ako umiyak naalala ko ang masasakit na nangyari saakin ng pahanon na naging Witch spirit ako at nagpalipat-lipat ng katawan. Gusto ko Kalimutan ang masakit na karanasan ko ngunit kusang bumalik sa alaala ko. Isang daang taon ako nagdusa sa sarili kong sumpa. Kaya ang panibagong sumpa na gawa ni Kuya labis kung kinatakot ngunit ito lang ang paraan para matanggap kami ng Mga Lobo at Bampira para makamit namin ang kalayaan hinahangad namin.
" Hanapin mo ang Witch spirit na nagbanta sayo. Mag-ingat ka ." Wika ni Kuya
" Kuya bumalik tayo sa valley Gusto kita makausap." Pakiusap ko
" Sige." Maikling tugon nito
" Kuya nandito si Ryxiel baka marinig niya ang usapan natin?" Tanong ko
" Ang ingay dito sa loob ng bahay natin ay hindi maririnig sa labas. At sa tuwing paso siya dito sa bahay natin mawawala ang talas ng pandinig niya Pagdating sa loob ng Lupain natin magiging pangkaraniwan tao lang ang pandinig niya." Nakangiti na Paliwanag ni Kuya
" Nagugutom na ako." Tugon ko para ibahin ang usapan
Ngumisi si Kuya binuhat niya ako agad ko pinulupot ang kamay ko sa leeg niya
" Alalahanin mo tao ka lang mahina at hindi pa makapaglakad dahil matagal kang natulog. " Pabulong na wika nu kuya
Paglabas namin napangiti ako ng masilayan ko si Darcy nakangiti siya may hawak na pulang Rosas inabot saakin agad ko naman tinanggap yon. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang masamang tingin ni Ryxiel kay Darcy para bang gusto niya sakalin si Darcy.
" Darcy subuan mo ako gusto ko sa harden Kumain." Nakangiti na utos ko
" Dito ka nalang Kumain sa dining. Namiss mo ba ang butler mo?" Nakangiti na sabat ni Kuya inilapag ako sa upuan
" Bakit nandito kapa?. Makakaalis kana huwug kana babalik Ayukong masilayan yang pangit na pagmumukha mo. " Mataray na wika ko kay Ryxiel
" What? Pangit? " Hindi makapaniwala na tanong ni Ryxiel umirap ako
" Ahemm! Babalik nalang ako sa sunod na araw May pupuntahan pala ako ngayon. " Paalam ni Ryxiel
" Salamat dude! May pupuntahan kami baka abutan kami ng ilang araw. Salamat sa pag-aalaga sa Kapatid ko ." Nakangiti na wika ni Kuya
Napatingin ako kay Ryxiel Kumindat siya saakin napairap ako
" Okay lang! Napamahal na saakin ang Kapatid mo. Wala kasi akong Kapatid Nag-iisang anak lang ako. Sige Uuwi na ako may pupuntahan pa ako." Nakangiti na wika ni Ryxiel
Pinagpatuloy ko ang pagsubo ng lugaw.
Napatingin ako sa papalayo na binata napasinghap ako lumingon siya saakin ngumiti ng ubod ng tamis tapos Kumindat. Umirap ako ngumiti si Ryxiel sabay kamay nagpatuloy sa paglalakad palabas ng bahay
Pagkatapos Kumain nagpahangin ako sa balcony nakaupo sa tabi ko si Kuya kwenento niya ang mga ginawa niya. Napag-alaman ko na model pala si Kuya Napag-alaman ko din na nabinta ni Kuya sa malaking halaga ang ibang gamit sa bahay at ngayon nag mamay-ari na siya ng Hotel sa Iba't ibang bahagi ng bansa at sa labas ng bansa. Nalaman ko din na sampong taon ako natulog at limang taon na akong inaalagaan ni Ryxiel.
Wala din alam si Ryxiel sa pagkatao namin. Ang mga kasamahan namin sa Pinanggalingan namin na Lugar ay pinakalat ni Kuya sa iba't ibang bansa. Sa ganon paraan masiguro namin na magiging ligtas sila Ngayon ang kasama nalang namin si Darcy at Mhae. Dito sa bahay si Darcy lang ang kasama namin si Mhae nanatili sa sarili nitong bahay. Lobo kasi si Mhae baka maamoy ni Ryxiel na May dugong lobo ang dalaga mahirap na baka mabasa nila ang nakaraan ni Mhae malaman nilang nandito na kami sa namumuhay kasama sila.
" Kuya ayaw kong umibig at mabigo. Kaya babalik ako sa lugar natin. " Wika ko
" Tara Aalis tayo nandoon naman ang mga matatanda hindi sila sumama. " Wika ni Kuya
Hinawakan ni Kuya ang kamay ko naglakad kami papasok sa kwarto ko Hindi na ako nagulat ng lumitaw kami sa sala ng bahay sa Valley.
" Princess gising kana." Masaya na wika ni Mhae
" Mhae kilan kapa bumalik dito?" Tanong ni Kuya
" Sumasakit tainga ko sa ingay ng mga tao. Kaya bumabalik ako dito Mas panatag ako dito. Nasanay ako sa tahimik na lugar. " Napapakamot sa ulo na Paliwanag ni Mhae
" Ipa soundproofing mo ang bahay mo para hindi mo marinig ang ingay sa labas. " nakangiti na wika ko
" Ay! Oo nga no." Bulalas ni Mhae
" Nakahanda na ang dadalhin natin." Wika ni Darcy
Napakunot noo ako bakit nandito din si Darcy may bitbit siyang bagpack
" Saan tayo pupunta?" Tanong ko
" Sa nawawalang Kaharian natin. Gamit ang kapangyarihan mo itinago mo ito sabi mo lahat ng may masamang pakay saatin magkapatid mapupunta sa Kaharian na yon at magiging bilangguan. Kaya mag-umpisa kana maglakbay hindi ko masilip ang saan mo tinago ang lugar na yon. Tatlong taong gulang ka lamang noon kaya mahirap alalahanin. Basta Ang pangalan ng Lugar na hahanapin mo. Kingdom of Darkness. " Nakangisi na wika ni Kuya
Napanganga ako sa aking narinig kaya pala nawawala ang Kaharian namin ako pala ang may kagagawan.
" Binago mo ang pangalan ng ating Kaharian. " Dugtong ni Kuya
" Saan ko hahanapin?." tanong ko
" Iwan." tugon ni Kuya