Claire (POV) Halos isang buwan nng hindi umuwi si Tito, nasa Europa daw siya at may inaasikaso. Kahit malayo siya ay halos gabi-gabi naman na tumatawag. Ang Daddy ko naman ay tuluyan nang ibinahay na batang girlfriend niya kaya lalong mas lumayo ang loob ko sa kanila dahil bakit ganun, umabot ako sa edad na trenta ay hindi ko man lang naranasan na alagaan niya ako gaya ng pag aalaga niya ngayon sa kinakasama niya. Isang buwan na rin kaming hind nag kikibuan ni Daddy, inaasikaso ko lang ang papel ng bahay na binili ko at doon na ako titira. Patawarin ako ng panginoon pero galit ako sa aking ama. Kung oras ng kainan ay pinapadala ko ang sa aking kwarto ang pagkain ko, kung minsan din ay kumakain muna ako sa labas bago umuwi. Masaya lang ang buhay ko noong high school ako, hindi man maganda

