♡ Engot Day ♡ "Grabe! Hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa nangyari nung debut." Saad ni Claire habang patuloy sa pagkain. As usual.. nandito na naman kami sa tambayan namin, ang Cafeteria. Haaay.. "So.. hindi talaga siya nagbibiro noong araw na ipinakilala siya sa atin ni Sam?" Saad ni Rhea habang tinitingnan kaming tatlo. "Ah! 'Yung sinabi niyang fiance siya ni Sam?" Tanong ni Marie Ann habang umiinom ng soft drinks. Hmm.. parang natatandaan ko nga na may sinabi si Kuya Shin na ganoon. Huhu! Hindi man lang nagpasintabi si Kuya Shin na, tabi-tabi po o bato-bato sa langit ang tamaan. Boom panis! Huh? Ano bang pinagsasabi ko? May sayad na yata ako. Argch! Naalala ko bigla 'yung nangyari sa debut kaya ikinain ko lang ng kinain ang sama ng loob ko. "OMG!" Sigaw ni Rhea.

