• UNANG YAKAP •
ISANG taon lang akong nawala sa Pilipinas. May nagbago na pala sa Dream University. Hindi na siya 'yung University na public, naging semi-private na pala siya. Kaya pala dito nag-aaral si Cav na de kotse pa kapag pumapasok ng school. Dumami lalo ang mga baliw sa kanya at fans niya. Guwapo na, mayaman pa.
"She's flat."
Napalingon ako sa nagsalita. Nakita ko si Lara na naka-smirk sa akin at nakatingin sa hinaharap ko.
So.. ako pala 'yung flat na sinasabi niya? Ay naku! palibhasa 'yung sa kanya ay papaya na. Hmp! Who cares!
Tiningnan ko lang si Lara sabay ngiti ng makahulugan.
"Akala mo kung sinong maganda, flirt naman," pahabol na sabi ni Lara.
"Describing yourself?" tiningnan ko siya mula ulo mukhang paa, este mula ulo hanggang paa. Tapos ngumiti ako ng malapad na may kasamang ngisi.
"Wear nicely, you look like a trash..flirt," sabi ko na sinabayan lang ang pagsasalita niya ng english sabay talikod sa kanya.
Haha, hindi naman ako masama na literal. Pero totoo naman 'yung sinabi ko. Mukhang ewan si Lara sa blouse niya. Naka-unbottoned 'yung dalawang butones niya kaya litaw ang papaya niya.
"What?". narinig kong react niya mula sa likuran ko.
Nilingon ko siya at tiningnan ng mabuti.
"Oh, wait, I forgot to tell you this. Why didn't you show it in whole? 'Cause you look like a freaking crazy person to show it as half not in whole size?" tukoy ko sa papaya niya. Nakita ko siyang namula sa galit.
Oops! Napa-english carabao na ako. Nahawa na yata ako kina Claire at Rhea na mean. Makapaglakad na nga, mamaya mahuli pa ako. Ang aga-aga nagsisimula na naman si Lara. Hindi ko alam kung bakit galit ang lokaret na 'yan sa akin. Hindi ko talaga alam kung bakit mainit ang dugo sa akin ni Lara. Samantalang wala naman akong ginagawang masama sa kanya.
Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad papuntang room nang biglang may hindi inaasahang pangyayari.
"Ouch! Aray! Ang sakit!" napaaray nalang ako nang mapaupo ako sa lapag dahil may bumangga sa akin.
"Sorry Miss, hin---Sam?"
Napatingin ako sa taong bumunggo sa akin na mukha yatang kilala ako.
Psh! Kung mamalasin ka nga naman. Feeling close, kung makatawag ng Sam akala mo friends kami.
Tumayo na ako na para bang walang nangyari sa akin. Pinagpag ko ang palda ko. Tumingin ako sa paligid. Maraming matang nakatingin sa amin. 'Yung iba nagpipigil na tumawa dahil sa nangyari sa akin.
"Whattasyete! Sira na talaga ang araw ko!" inis na sabi ko habang pinupulot ang mga gamit ko na nahulog gawa ng pagkakabunggo sa akin. Dahil hawak ko ang binder ko kung na saan nakalagay ang ilan sa libro ko.
"What?" sabi ng kaharap ko habang hawak 'yung isa sa mga gamit ko na nahulog.
"Nothing. Thanks." kinuha ko na lang sa kamay niya 'yung gamit ko na pinulot niya at saka tumalikod na.
"OY! Sam, anong itsura 'yan?" tanong sa akin ni Claire. Nasa cafeteria kami ngayon dahil break time na namin.
"Nah! ang pangit pangit mo Sam," saad naman ni Rhea.
"Ang tahimik mo Sam. Meron ka ba?" si Marie Ann naman ang nagtanong.
Tiningnan ko nalang silang tatlo. Ngingiti na sana ako at magsasalita nang biglang naging palengke ang cafeteria.
"Kyaaaaah! Dito ka na umupo Cav."
"Guwapo mo."
"Dito ka na pogi."
"Anong number mo? Puwede mahingi? Please."
Nakaka-bad vibes talaga! Makaalis na nga rito.
Tumayo na ako sa upuan ko dahil nawalan na rin ako ng gana para kumain. Hindi ko talaga gusto na makita si Cav. Basta tuwing nandyan siya parang gusto kong mag-teleport palayo sa kanya.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Rhea sa akin.
"Oy Sam!" tawag ni Claire.
"Diyan lang." matipid kong sagot. Wala na talaga ako sa mood ngayon.
Naglakad nalang ako palayo sa kanila.
"Anong nangyari doon?" narinig ko ang tanong na 'yon ni Marie Ann sa dalawa pa naming kaibigan na sina Claire at Rhea.
Sorry friends. Kailangan ko lang ng sariwang hangin. Parang mawawalan ako ng oxygen kapag nakikita ko ang pagmumukha ni Cav.
Palabas na sana ako ng cafeteria nang may humawak sa braso ko at hinila ako ng malakas. Kaya bumangga ako sa napakatigas na pader.
Bakit ang bango naman nitong pader? At saka may init akong nararamdaman?
Napakurap at kisap-mata pa ako bago ako napadilat ng malaki. Bigla kong naitulak 'yung pader palayo sa akin, este bigla ko siyang naitulak.
"Ano ka ba naman! Kailangan hatakin mo pa ako ng ganoon? Ha!" reklamo ko. Napasigaw pa ako sa sobrang inis sa kanya.
"Saan ka pupunta?" tanong niya ng hindi man lang nagpaliwanag sa ginawa niyang paghatak sa akin.
Sa lugar na walang Cedrick Andrew Villanueva.
"Diyan lang." sagot ko ng hindi siya tinatapunan ng tingin.
Hindi ko na sinabi 'yung gusto ko sanang sabihin. Dahil lumalaki at humahaba ang mga tainga ng fans niya. Baka mamaya ay sabunutan na nila akong lahat.
"Sama naman," sabi niya na ngumiti pa.
Nagsalubong ang kilay ko sa inis at napakuyom ng kanang kamay. Pinipigilan ko ang sarili ko na masapak ko siya.
Psh! kainis naman itong kumag na ito!
"Ayoko!" mabilis kong sagot at naglakad na nang hawakan na naman niya ang braso ko.
"But why?" tanong niya na nagpapa-cute pa.
"Kasi A. Yo. Ko!" sagot ko at idiniin ko pa talaga ang salitang ayoko.
"Pare! snob ang kaguwapuhan mo."
"Walang epekto ang karisma mo dude."
"Shut up!" malakas na sabi ni Cav sa mga nagsalita.
Sinamantala ko ang pagkakataon at umalis na dahil siguradong pipigilan na naman niya ako.
Nag-vibrate ang cellphone ko sa bulsa at sinagot ko agad ang tawag.
"Hello Dad, bakit po?" sagot ko sa tawag.
"Princess nabunggo ka raw? Masakit ba? Pupunta na kami ni Mee diyan. We will go to the Hospital now!" nag-aalala at natatarantang sabi ni Daddy sa kabilang linya.
Huh? Pupunta sila dito ni Mommy? Pupunta kami ng Hospital? Wait a minute kapeng bagong timpla! Hindi sila puwedeng pumunta dito!
"Ah, eh, Daddy, walang masakit po sa akin. Okay sa alright po ako. Hindi na po kailangan pumunta ng Hospital dahil okay na okay po ako. I will call you Daddy if I'm not okay po." sabi ko na natataranta.
Ayokong malaman ng mga nandito na galing ako sa mayamang pamilya. Ang pakilala ko kasi ay galing ako sa simpleng pamilya na nagtratrabaho ng husto mapag-aral lang ako.
Nakalimutan ko na may mga bodyguards nga pala ako na nakabantay sa akin. Hindi nga lang sila makikita, ang galing magtago, eh. Hindi ko maintindihan bakit kailangan ko pa ng mga bodyguards. Nasa loob lang naman ako ng school, at semi-private na nga ito.
"Pe-pero.. Princess..."
"I'm okay Daddy, so don't worry. I'm better." sabi ko para hindi na ito mag-alala.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya senyales na suko na siya at hindi na magpupumilit na pumunta rito.
"Sure Princess? Okay, take care of yourself." bilin ni Daddy na mukhang kumbinsido na pero halata pa rin sa boses na nag-aalala ito.
"1000% sure! Thank you Daddy, you too take care. mwah!" pagkatapos kong sabihin 'yon ay tinapos ko na rin ang tawag.
Nagsimula na akong maglakad-lakad. Parang may sariling isip ang mga paa ko na may gustong puntahan.
"Yan ang bagay sa'yo loser at weird kang promdi!"
Napatingin ako sa gawing kanan at pumunta roon. Dahil parang nanggagaling doon ang boses na narinig ko ngayon lang.
"Hahaha!"
"Hoy! Anong ginagawa ninyo?" sigaw ko ng malakas doon sa tatlong lalaking nakita ko na may binu-bully.
Isang lalaking basang-basa at punong-puno ng putik ang white polo ang nakita ko. Nakaupo ito sa lupa na parang basang sisiw.
"Wala naman, nanlulugar lang ng taong hindi alam ang lugar niya," sagot ng lalaki sa akin na parang siga kung kumilos.
"Lagot kayo sa council. Hindi tama 'yang ginawa ninyo." pananakot ko habang lumalapit sa kanila.
Mabilis silang umalis ni wala ngang sinabi sa akin.
Ano ba 'yan! Mas malala pa sila sa mga nakikita ko nung High School ako. 'Yung bully ng mga sosyalera, mamahaling pagkain ang pinantatapon.
"Are you okay?" tanong ko sa taong napagtripan ng tatlong lalaki.
"Halika na nga. Kailangan mo ng makapagpalit ng damit baka magkasakit ka pa niyan." sabi ko na medyo worried sa kanya. Hindi ko ma-imagine kung ano 'yung dinanas niya mula sa kamay ng tatlong pangit.
"Salamat, ayos lang ako," sagot niya na ayaw pang tumayo.
Teka, may ka boses siya.
"Tayo na diyan." kinuha ko ang magkabilang kamay niya at pilit na itinatayo siya. "Eisen, ikaw 'yan di ba?" paninigurado ko pa.
Hindi kasi ako puwedeng magkamali dahil kahit bihira lang siya magsalita ay siya 'yung lalaking may magandang boses na narinig ko.
"Paano mo---" hindi ko na pinatapos ang sasabihan niya at hinila ko na siya. Tumayo naman siya at magkasabay kaming naglakad. Tahimik lang siya at walang reaksyon ang mukha.
Hindi ko alam kung paano ko siya mako-comfort.
Habang naglalakad kami ay pinagtitinginan kaming dalawa ni Eisen. Nang makita kong pinagtatawanan si Eisen ay huminto na ako sa paglakad at saka humarap sa kanya kahit nakahawak pa rin ako sa kamay niya.
"Share your blessings," nakangiting sabi ko tapos niyakap ko si Eisen.
Sobrang lakas ng kabog ng puso ko at parang huminto yata ako sa paghinga habang nakayakap pa rin sa kanya. Matapos maputikan ang uniform ko ay kumawala na ako sa pagkakayakap. Nakita ko ang cute na reaksyon ni Eisen. Nanlalaki ang singkit niyang mga mata dahil sa ginawa ko. Napatingin din ako sa labi niya at parang natakam akong tikman 'yon. Mabilis akong umiling dahil sa naiisip ko.
So cute, kahit may salamin pa siya sa mata. So cool, kahit mukhang pulubi o taong grasa pa siya ngayon.
"Hindi naman puwedeng ikaw lang ang pinagtatawanan! Sabi nga nila, kapag may nangangailangan ng tulong mo dapat tulungan mo." sabi ko pero imbento ko lang 'yon.
Hinila ko ulit siya at naglakad na kaming dalawa papuntang restroom. Nag-text ako sa isa sa mga bodyguards ko na bilhan ako ng uniform pati na rin si Eisen. Hinulaan ko na lang 'yung size niya base sa nasusukat ng mata ko. Mabuti nalang talaga binigyan ako ng contact number ng mga bodyguards ko. Just in case I need help.
"Oh, Eisen, mag-shower ka na muna at magpalit ka na rin." sabi ko sabay abot ng bagong uniform at towel sa kanya.
"Saan galing?" tanong ni Eisen.
"Sa ano, sa bilihan ng damit." sagot ko na hindi malaman.
"Hindi ko ito matatanggap." pagtanggi ni Eisen at pilit na ibinabalik 'yung binigay ko.
"Wear that! Or else hahalikan kita." pagbabanta ko na may tingin na gagawin ko talaga ang sinabi ko.
Hindi ko alam kung bakit ko nasabi 'yon. Kaso ang pula ng lips niya talaga. Nakakatakam itong tikman.
Nakita kong gulat na gulat siya. At namumula na ang magkabilang tainga niya. Nagmamadaling pumasok si Eisen sa C.R. at nagsara ng pinto.
Haha effective. Kung sa ibang tao ito, tuwang-tuwa pa 'yon malamang.