"SWEET SHIN" Pagkapasok ko kinabukasan ay lutang na lutang ako at tipong hindi mo makakausap ng matino. "Huy! Sam tulaley ka na naman." Reklamo ni Rhea. "Anyare? Bakit wala sa sarili Sam?" Tanong naman ni Claire kay Marie Ann na nagkibit-balikat sa kanya. Nanatili akong tulala at pakiramdam ko. Napunta na sa jupiter ang utak ko, kaya hindi gumagana ng maayos ang aking katawan. "Bukas, pupunta ako ng Paris." Sabi ko ng matauhan ako at mapatingin sa pagkain ko na wala pang kabawas-bawas. Break Time ngayon kaya naman nandito na naman kami sa aming tambayan. Ang School Cafeteria. "Wow Paris!" Manghang sabi ni Claire habang umiinom ng drinks niya. "Iba na talaga ang mayaman." Sabi naman ni Rhea na umiinom din ng drinks. "Family Vacation?" Tanong ni Marie Ann bago inumin ang drinks niya

