Ikaw Lang, Sapat Na ♥ CHAPTER 45 : ♡ a day you can't image ♡ ⇨⇨⇨ Hindi ko na napansin ang paglipas ng araw dahil sa sayang nararamdaman ko. Makasama si Eisen araw-araw ay isang langit. Ganito pala ang pakiramdam ng pag-ibig. Sobrang saya at parang nasa alapaap ka. Si Eisen na talaga ang pang forever ko. Ang till death ko. Mahal ko siya, mahal ko siya ng sobra-sobra. "Miss Sam, tapos na. Maaari na po kayong magbihis." Sabi ng make-up artist na nagmake-up sa'kin. "Ah okay po." Pagsunod ko naman. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang magmake-up ng ganito? I mean mag-ayos ng ganito? Ano bang meron? "Miss Sam kailangan niyo pong piringan." Sabi ng isang babae. What? Baka masira 'yung make-up ko sa mata kung pipiringan ako. Bago pa man ako makapagsalita ay piniringan na agad ako.

