"Ganun ba? Nakakaramdam ka ba ng guilt habang nakikita mo samin ang mukha ng taong pinatay mo?"puno ng suklam na saad ni Aquill. Naikuyom niya ang mga palad. Ngayon nasa harapan na nila ang babaeng sumira sa pamilya nila. Nawala ang matamis na ngiti sa mga labi ng prinsesa. Tumalim ang mga mata nito. Nakapalibot rito ang mga alagad nito. Nasa sampu rin ang mga ito at tila naghihintay lang ng utos mula sa prinsesa bago sila sugurin. " Mukhang iminulat kayo ni Stella sa nakaraan.."anito sabay ngisi sa kanila. Napatiim-bagang siya ng makita wala man lang guilt na makikita mula rito sa pagpatay sa kanilang ama. Isang mapanuyang tawa ang kumawala sa mapulang mga labi nito. "Ang totoo nga yan,mga pamangkin ko..para akong minumulto ni Hermes kasi talagang kamukha niyo siya,gwapo at makisig

