7 years ago... Agad na bumaba sa kinatatayuan niyang puno ng sanga ng huminto ang pitong taon gulang na si Sanya. Nakahalukipkip ito habang tinatangay ng mabining hangin ang mahaba nitong buhok na kasingputi ng pinong buhangin na inaapakan nila. Nginisihan niya ito. "Kamusta?" Nakuha nito ang pagiging intimidating ng ama nitong si Aquilles habang ang maganda nitong mukha ay sa ina nitong si Sanastacia. "Bakit ngayon ka lang nagpakita ulit?"agad nitong tanong sa kanya. Tumawa siya ng mahina at pa-squat na umupo sa harapan nito upang magpantay ang kanila mga mata. Singdilim ng gabi ang mga mata nito na natatabunan ng mahahabang pilikmata. Agad na napalitan ng matamis na ngiti ang ngisi niya sa mga labi. Iniangat niya ang isa niyang kamay na nababalutan ng itim na gloves. Kumikinang

