Chapter 32

1623 Words

ANG MGA susunod na araw ay naging isang malupit na siklo ng walang humpay na pagtatrabaho. Ibinuhos ni Allyson ang bawat hibla ng kaniyang lakas sa opisina. Para siyang isang makina na walang switch para huminto. Dumadating siya sa gusali bago pa sumikat ang araw ng alas-sais, at umaalis kapag tulog na ang halos buong mundo ng alas-onse ng gabi. Mga meetings na walang katapusan, mga tawag sa ibang bansa, pagbisita sa mga itinatayong hotel, at tambak na pag-re-review ng mga files—lahat ay ginawa niya upang malunod lamang ang kaniyang sariling isipan. Isang hapon ng Miyerkules, habang ang kulay ng langit sa labas ng kaniyang dambuhalang bintana ay nagpapalit na mula kahel patungong lila, pumasok si Ara sa kaniyang silid. "Ma'am," mahinang tawag ni Ara, bakas ang pag-aalangan sa kaniyang mu

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD