ANG biyahe pabalik mula Punta Azul patungong San Vicente ay tila mas matagal kaysa noong papunta roon. Parehong kalsada, parehong palayan, parehong tanawin sa probinsya—pero everything looked different now. Dahil ang lahat ay nagbago na. Dark Aragon was alive. Napahawak nang mahigpit si Allyson sa steering wheel habang inaalala ang bawat sandali sa maliit na bahay na iyon malapit sa parola. Ang mukha nito nang buksan ang pinto. The genuine shock. The guilt. Ang balbas, ang mas mahabang buhok, ang simpleng hitsura nito habang nakapaa—so different from the polished, controlled CEO she fell in love with in San Vicente. And yet unmistakably him. "Señorita," sabi ni Manang Mirna gently, breaking the long silence. "Are you okay?" "I don't know what I am right now," honest na sagot ni

