NAKATAYO si Allyson sa balkonahe ng kaniyang condo sa Maynila, may hawak na kape, habang pinapanood ang pagsikat ng araw na nagpipinta sa lungsod ng ginto at rosas. Anim na buwan. Kalahating taon mula noong weekend na iyon sa San Vicente kung kailan ang lahat ay nagbago mula sa pagiging tentative tungo sa pagiging tiyak. Anim na buwan ng mga biyahe tuwing Biyernes patungo sa probinsya, at pagbabalik sa Maynila tuwing Lunes. Video calls gabi-gabi. Natutunan ni Dark na i-navigate ang kaniyang CEO schedule, habang natutunan naman niya ang pasikot-sikot sa mga hacienda emergencies. May mga pagtatalo kung kaninong turno ang magmaneho ng limang oras. Pero may mga make-up s*x na nagpaparamdam na sulit ang bawat away. Anim na buwan ng pagbuo ng isang bagay na totoo. Nag-vibrate ang kaniyang

