Nang dumating siya, bakante ang sementeryo. Gitna ng hapon, araw ng trabaho. Karamihan sa mga nagluluksa ay bumibisita lamang tuwing weekend o Araw ng mga Patay. Perpekto. Gusto niya ng pag-iisa. Pumarada siya at naglakad patungo sa Aragon family plot. Madali niyang nahanap ang puntod ni Dark—sariwa pa rin, natatakpan pa rin ng mga bulaklak na dahan-dahan nang nalalanta. Nakalagay na rin ang headstone. Simple at elegante. "Dark Elijah Aragon Beloved Son, Friend, Businessman May His Soul Rest in Eternal Peace" Walang petsa ng kapanganakan. Walang petsa ng kamatayan pa—marahil ay naghihintay ng DNA confirmation. Nakatayo lang doon si Allyson, binabasa nang paulit-ulit ang nakasulat. "Beloved son," bulong niya. "But not beloved fiancé. Dahil hindi mo siya pinakasalan. Umalis

