Chapter-09

1435 Words
Jade's POV Kinabukasan, naging maayos na rin ang pakiramdam ko. Nagising ako dahil sa ingay ng mga pamangkin ko—nandito silang lahat. "Tata, patyal na tayo! Diba sabi mo po, patyal tayo?" bulol na sambit ng bunso, si Mera, anak ni Kuya Mark. "Oo, pero mamaya na 'yan. Maaga pa ngayon, kakain muna tayo ng almusal," sagot ko sa kanila. Sabay-sabay na kaming bumaba. Pagkababa namin, tumunog ang cellphone ko—tumatawag ang aking amo. "Hello?" sambit ko. "Hi, love. Are you okay now?" agad niyang tanong. "Yes, feeling better now. Mamamasyal pala kami ngayon kaya busy ako today, okay?" sagot ko. "Okay, walang problema. Gusto ko lang malaman kung ayos ka na." "Oo, okay na okay na. Huwag kang mag-alala," saad ko sa kanya. "Miss na kita, love," pahayag niya sa malumanay na tinig. "Two days na lang ‘eh, babalik na ako" sagot ko. "Pero kung gusto mo pang mag-extend ng isang araw, walang problema. Nasa magulang ko pa naman si Sera, kaya ayos lang," sabi pa niya. "Okay, salamat. See you soon," sagot ko. "Bye, love," huling sabi niya, at pinutol ko na ang tawag. Kumain na ako ng almusal kasama ang makukulit kong pamangkin. Hindi talaga nila ako tinantanan. Hanggang sa maligo ako, sinabihan ko silang magbihis na rin para makaalis na kami. Kaya sabay-sabay silang tumakbo palabas ng kwarto ko. Mag-aala-una na kami nakaalis ng bahay. Kanina pa sila kumakatok sa kwarto ko, pero hindi ko sila binuksan. Pagkatapos kong maligo, nadatnan ko silang tatlo na nakaupo sa labas ng kwarto, naghihintay sa akin. Ang cute nilang tingnan kanina. "Tata, gutom na po ang bituka ko. Sabi kasi eh tanghali na," reklamo ni Elson, ang nag-iisang anak ni Kuya Marcus. "Saan niyo gustong kumain?" tanong ko sa kanila. "Sa Jobee po, Tata!" sagot ni Marie. "Okay, sige. Doon muna tayo, tapos pupunta tayo sa Kidzoona," sambit ko sa kanila. "Yay!" sabay-sabay nilang sigaw, sabay talon sa tuwa. Nag-taxi lang kami papuntang SM Southmall—ito kasi ang pinakamalapit sa amin. Sinama ko si Ate Joy, asawa ni Kuya Mark, para may kasama ako sa pagbantay sa mga bata. Pagdating namin sa Jobee, umorder ako ng pagkain para sa kanila. Gusto nila ng spaghetti at Chickenjoy, kaya ‘yon ang inorder ko. Pagkatapos naming kumain, namili muna kami ng mga damit at laruan nila—regalo ko na rin sa kanila. Pagkatapos noon, pumunta kami sa Kidzoona. Umalis muna ako sandali upang bumili ng mga damit para kina Kuya Marcus at Kuya Mark, pati na rin para sa mga asawa nila. Binilhan ko rin si Papa ng cellphone—‘yun kasi ang hiling niya. Isasama ko sana siya, pero ayaw niya. Mas gusto niyang ibili ko na lang siya. Si Mama naman ay binilhan ko ng dress at sandals. Ang dami kong bitbit pabalik sa KidZania. Umabot rin ako ng isa’t kalahating oras sa pamimili. Buti na lang at nag-eenjoy pa ang mga bata. Hindi kasi puwedeng pumasok ang adult sa loob; sila lang ang puwedeng maglaro, habang kami’y naghihintay sa labas. Maya-maya, lumabas na silang lahat. Ilang oras rin silang naglaro. Bandang alas sais na nang matapos sila sa KidZania. Alam kong gutom na sila kaya tinanong ko kung saan nila gustong kumain. Sabi nila, sa bahay na lang daw, at bibili na lang kami ng litson manok sa Andok’s. Kaya dumaan muna kami roon. Pinatawagan ko kay Ate Joy si Papa para sabihing huwag na siyang magluto ng ulam dahil may dala kaming litson belly at litson manok. Palabas na sana kami ng mall nang mahagip ng mata ko si Sir Seth. Hindi ako sigurado kung siya ba talaga iyon o guni-guni ko lang. Kaya dumiretso na kami sa sakayan ng taxi. Pero biglang may bumusina sa aming likod kaya napalingon ako. Paglingon ko, si Sir Seth pala! Nakalabas ang ulo sa bintana. "Halina kayo. Ihahatid ko na kayo—doon rin naman ang daan ko," pahayag ni Sir Seth. "Huwag na po, magta-taxi na lang kami," sagot ko. "No, please. Pasok na," sambit niya. Lumabas pa talaga siya ng sasakyan para buksan ang pinto. "Hello, kids. Ako pala ang amo ng Tita niyo... at ni Lola niyo," pakilala niya sa kanila. Napatawa ako nang palihim. Ngumiti naman si Ate Joy at sumakay na sila, kaya wala na rin akong nagawa kundi sumakay na rin. Binuksan ni Sir Seth ang pinto sa unahan, at pagka-upo ko, agad ko siyang tinanong. "Ano pong ginagawa niyo dito sa SM Southmall, Sir?" tanong ko sa kanya. "May meeting ako sa isang restaurant dito. Tapos ng lumabas ako, nahagip kita ng mata ko," sagot ni Sir. "Ako rin po, kaso akala ko baka kamukha niyo lang," paliwanag ko sa kanya. Mabilis lang kaming nakauwi dahil hindi masyadong traffic papunta sa amin. Pagkababa naming lahat ng sasakyan, andoon na sina Mama at Papa, naghihintay. Nagulat pa nga sila nang makita nilang magkasama kami ni Sir Seth. "Nakita ko lang po sila sa SM, kaya pinasakay ko na. Dadaan rin naman kasi ako sa gawi nito pauwi ng bahay," paliwanag ni Sir sa aking mga magulang. "Naku, nag-abala pa po kayo," sambit naman ni Mama, habang inilalabas naman ni Kuya Marcus ang mga pinamili namin. "Pasok muna kayo, Sir, at sabay na tayong kumain," yaya pa ni Papa. "Huwag na po, busog pa ako. Kakatapos ko lang mag-early dinner kasi may meeting ako sa SM kanina," paliwanag niya. "Ah, ganun po ba? Sige po, di na po kita pipilitin," sambit ni Nanay. Sinamahan ko siya palabas dahil sinabihan ako ni Nanay na ihatid siya. Medyo madilim sa lugar kung saan niya ipinarada ang sasakyan. Pagdating namin doon, bigla niya akong hinila at mariing hinalikan. "I miss you, love," bulong niya habang nakadikit ang noo niya sa akin. "Dalawang araw lang naman tayong hindi nagkita," sagot ko, medyo natatawa. "Kahit pa... matagal na rin 'yon para sa akin," sabi niya. "Okay na ba ito?" tanong niya, sabay haplos sa p********e ko habang nakatitig sa akin. Medyo nagulat ako sa bigla ng kilos niya. "Ano ka ba, baka may makakita sa atin. Umalis ka na nga—baka magtaka sila kung bakit ang tagal ko," sabi ko, sabay tulak sa kanya nang marahan. Pero bago pa siya makapasok sa sasakyan, muli niya akong siniil ng halik—mas banayad, mas may damdamin. Pagpasok ko sa bahay, napahawak ako sa aking labi. "Shit... in love na ata ako kay Sir Seth," bulong ko sa sarili ko. Pagkapasok ko, nadatnan ko ang mga bata na nanonood ng cartoons sa sala habang si Mama ay abala sa pag-aayos ng hapag. "Ang tagal mo, ‘nak. Sinabayan mo pa ata si Sir," biro ni Mama habang nag-aayos ng pinggan. "Hindi naman, Ma. Hinatid ko lang siya sa sasakyan," sagot ko, pilit pinapakalma ang t***k ng puso ko. Habang kumakain kami ng hapunan, nakatitig lang ako sa kanin ko, napapangiti sa sarili. Hindi ko alam kung totoo bang nararamdaman ko ‘to, pero isang bagay ang malinaw: may epekto talaga sa akin si Sir Seth. Kinagabihan, habang nag-aayos ako ng mga pinamili, tumunog ang cellphone ko. 1 New Message from: Sir Seth "Sleep well, love. I wanted to kiss you again. Goodnight." Napangiti ako. Tumingin ako sa salamin at halos hindi ko na makilala ang sarili ko. Iba na nga ito. Binuksan ko na ang mga pinamili ko kanina. Isa-isa ko itong ibinigay sa aking pamilya. Tuwang-tuwa naman si Papa, pati na rin si Mama. "Salamat, anak," sambit pa ni Mama at Papa. Habang ang aking mga kapatid ay sabay-sabay akong niyakap. "Thank you, Bunso," sabi ni Kuya Marcus. Niyakap rin ako ng mga pamangkin ko. "Thank you po, Tita!" sabay nilang tatlo. Masaya ako dahil nabigyan ko sila ng regalo sa unang araw ng day off ko. Pakiramdam ko, kahit papaano, nakabawi ako sa kanila. "Siya nga po pala, Ma," sabi ko, "sabi ni Sir Seth, baka po ngayong pasukan ay puwede na raw akong mag-enroll, gusto na raw po ni Sera mag-aral." "Oo, kinausap na rin ako ni Sir Seth tungkol dito," sagot ni Mama. "Pero puro pang-umaga raw ang kunin mong schedule, ha." "Opo, Ma," sagot ko. "Ano bang kukunin mo, Bunso?" tanong ni Kuya Mark. "Teacher po sana, or Nurse. Iyon naman po talaga ang plano ko noon pa, Kuya." "Pero ano talaga ang final?" tanong ni Papa. "Nurse po ang pinaka-final, Pa," sagot ko. "Okay. Magtiyaga ka lang at makatapos ka rin," sabi ni Mama, sabay haplos sa balikat ko. Tumango ako at ngumiti. "Opo. Pangarap ko rin po ‘to para sa sarili ko, at siyempre, para rin sa inyo." Niyakap nila akong lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD