Chapte-16

1500 Words
Jade's POV Makalipas ang isang linggo mula nang malaman ng pamilya ni Seth ang relasyon namin, palagi na kaming pumupunta roon sa bahay ng mga magulang niya. Sa susunod na linggo, papasok na si Sera at mag-e-enroll na rin ako. Bachelor of Science in Nursing ang kukunin kong kurso. Ayon kay Seth, mas okay daw iyon para kapag nakatapos ako, magiging katuwang niya ako sa trabaho. Naging mas close naman kami ni Sera, “Mommy” na nga ang tawag niya sa akin. Pero hindi pa alam ni Mama ang relasyon namin ni Seth, at nahihirapan akong sabihin iyon sa kanya. Isang araw, nasa kusina ako at tinulungan ko si Mama, dahil wala si Sera hiniram siya Ma’am Sella. Habang naghuhugas ako ng mga plato, nagsalita si Mama. “Anak, alam kong nasa tamang edad ka na. Kung sakali mang gusto mo nang mag-asawa, sana huwag kang mag-aatubiling magsabi sa amin ng Papa mo.” Nagulat ako sa sinabi niya. Wala pa naman sa isip ko ang mag-asawa. “Mama, saan naman po ninyo nakuha ang idea na mag-aasawa ako?” tanong ko. “Hindi pa ba?” tanong niya sa akin. “Hindi pa po. Mag-aaral pa po ako. Pero, Mama, may sasabihin po ako sa inyo,” sabi ko. “Ano iyon?” tanong niya. “Sa day off ko na lang po, Ma, para nandoon ang buong pamilya,” sambit ko. “Okay, anak,” sagot niya. Kakausapin ko si Seth, sasabihin na namin sa mga magulang ko ang relasyon namin. Sa totoo lang, sa kwarto ko na natutulog si Seth, kasi mas madali naming marinig si Sera. Pero nitong last two days, sinabi ni Sera sa Daddy niya na okay na raw siyang matulog mag-isa. Kaya doon na ako sa room ni Seth, pero hindi pa ito alam ng iba naming kasama sa bahay. This is only between me, Seth, and Sera. Kinagabihan, pagkatapos kong patulugin si Sera, pumasok na ako sa kwarto namin ni Seth. “Seth, sa day off ko, pupunta tayo sa bahay namin,” sambit ko habang humihiga na sa kama. “Okay. So, are you ready to tell them?” tanong niya. “Yes. Kaya nga pupunta tayo roon, para makaharap mo na rin ang mga kapatid ko at si Papa,” sagot ko. Yumakap siya sa akin. “Okay, love. Mas maganda nga iyon, para may blessing na tayo mula sa kanila,” sabi niya. Tumango ako. Simula noong magkatabi na kami ni Seth matulog, mas naging mapusok kami sa isat-isa, lalo na noong lumipat ako sa kwarto niya. Minsan, natanong ko siya kung ganito rin ba siya kalinog noong buhay pa ang asawa niya. Sabi niya, hindi raw, kasi pareho raw silang busy noon. Kaya raw natagalan bago nila nabuo si Sera. Sa akin lang daw siya ganito. Hindi naman ako masyadong kinakabahan sa posibilidad na mabuntis, dahil may contraceptive injection na ako na good for three months. Kinabukasan, kinausap ako ni Mama. Sabi niya, sa day off niya na lang daw ako pumunta sa bahay, mas maaga raw iyon dahil off din ang dalawa kong kapatid. Linggo kasi ang day off ni Mama, habang ako naman ay Sabado. Hindi kasi kami puwedeng magkasabay ni Mama, dahil minsan nandito ang mga magulang ni Seth kapag wala ako. Pagsapit ng Linggo, maaga pa lang ay nakapag-ayos na kaming tatlo. Sasama si Sera dahil, sabi niya, baka raw mag-oppose ang mga magulang ko—siya raw ang makikiusap. Naalala ko pa kagabi noong sinabi namin sa kanya. Nasa kwarto kami ni Seth; doon din kasi siya natulog. “Baby,” paliwanag ni Seth, “we’ll go to Mommy’s family. We need to inform them about our relationship.” “Okay, Daddy… but is it okay? Do I have cousins, Mommy?” tanong ng inosenteng bata. “Yeah,” sagot ko. “I have three nieces and nephew. Mara is five years old, Elson is four, and Marie is two.” “So I can play with them?” masigla niyang sambit. “Yeah, for sure, baby,” sagot ko. Tapos bigla siyang naging seryoso. “And your siblings… are they good? Maybe they will not accept Daddy. So I really need to be there, so I can be the one to talk to them,” sabi niya. Hindi ko napigilang ngumiti, kahit kabado rin ako. Hinalikan ko na lang siya sa noo. “Okay, baby,” sabi ko. Nang nakabihis na kaming lahat, sumakay na kami sa kotse ni Seth. “I think it’s better if we bring something, like cake or something to eat,” sabi ni Seth. “Okay. Ikaw bahala,” sagot ko. Paalis na sana kami nang tumawag si Mommy Sella, oo, Mommy na ang gusto niyang itawag ko sa kanya. Si Seth ang sumagot. Hindi ko narinig ang boses niya sa kabilang linya; ang narinig ko lang ay ang mga sagot ni Seth. Pagkatapos ng tawag, sinabi niya sa akin na dadaan muna kami sa mansion ng Mommy niya dahil may niluto raw sila para dalhin sa pamilya ko. Pagdating namin doon, bumaba ako at nakita kong maraming dala ang mga kasambahay ni Mommy Sella. “Mommy, bakit ang dami naman nito?” tanong ko. “Para naman hindi sila magalit kay Seth,” sagot niya. Ngumiti na lang ako. Inilagay na nila ang mga dala sa sasakyan namin. “Ano man ang mapag-usapan ninyo ng pamilya mo, tawagan n’yo agad kami. At kung gusto nilang mamanhikan, walang problema,” sabi pa ni Mommy Sella kay Seth. “Tatawag po ako, Mommy,” sagot ni Seth. Hindi na kami nagtagal sa mansion ng mga magulang ni Seth. Habang papunta na kami sa bahay namin, medyo kinakabahan na ako. “Relax, love,” sabi niya. Pagdating namin sa harap ng bahay, nagulat sina Mama at Papa dahil kasama ko si Sir Seth. “Magandang araw po,” bati ni Seth. Bumati rin si Sera sa kanila habang hawak ko ang kamay niya. Sinabi ko kay Mama na may dala kaming pagkain galing kay Mommy Sella, kaya kinuha nila iyon. “Bakit ang dami naman nito, anak?” tanong ni Mama. “’Yan nga po ang sinabi ko sa kanya,” sagot ko rin. Pagpasok namin sa loob, pinaupo ko sina Seth at Sera sa sofa. Umupo rin si Mama. Nandoon din ang dalawa kong kapatid. “Bakit naparito po kayo, Sir?” unang tanong ni Mama. Hindi nagpaligoy-ligoy si Seth. “Nandito po ako para sabihin sa inyo ang relasyon namin ni Jade,” diretsong pahayag niya. Napansin ko, si Mama na hindi nagulat. Si Papa naman, halatang may gustong itanong. Habang tahimik lang ang dalawa kong kapatid. “Sa totoo lang po, medyo may hinala na rin ako na nagkakaigihan kayo ni Jade,” sabi ni Mama. “Hinintay ko lang si Jade na mag-open sa akin.” “Kailan ito nagsimula, anak?” tanong ni Mama sa akin. “Noong unang day off ko po, Ma,” sagot ko. “Pero matagal ko na pong gusto si Jade, noong una ko pa lang siyang nakita sa mansion,” dagdag naman ni Seth. “Alam naman po ninyo ang buhay ni Jade,” sabi ni Mama. “At sa nakikita ko, inaalagaan n’yo naman siya. Wala akong nakikitang masama sa relasyon ninyo dahil biyudo ka naman, Sir. Ang hiling ko lang, huwag n’yo siyang saktan. Ulilang lubos na po si Jade.” May luha pa sa gilid ng mata ni Mama. “Promise ko po, mamahalin ko siya,” sagot ni Seth. “Sa ngayon po, gusto ko muna siyang makatapos ng pag-aaral. Pag nakapagtapos na po siya, saka po kami magpapakasal.” “I will love her also, Yaya Rose,” singit ni Sera. Natawa kaming lahat, at yung mabigat na atmosphere ay naging magaan. “O siya,” sabi ni Papa. “Basta andito lang kami para sa inyo.” “Makakaasa po kayo sa akin,” sagot ni Seth. “Salamat po, Mama at Papa, sa pagtanggap n’yo,” sabi ko, habang napapaluha. “Okay lang ‘yon, anak. Ang hangad lang namin ay ang kabutihan mo,” sambit ni Papa. Niyakap ko rin ang dalawa kong kapatid. Nagpasalamat din ako sa kanila. Kinamayan pa nila si Seth, kaya alam kong okay na ang lahat para sa amin ni Seth. Lumapit naman ang mga pamangkin ko kay Sera at nagpakilala. Maya-maya, niyaya na nila siyang maglaro. “O siya,” sabi ni Mama, “mas mabuti siguro kung kumain na tayo habang mainit pa ang mga pagkain.” “Mas mabuti nga po, Ma,” sagot ko. Habang naghahanda kami ng pagkain, si Seth naman ay nakipagkuwentuhan sa dalawa kong kapatid. Makalipas ang ilang minuto, niyaya na namin silang kumain. Naging masaya ang araw na iyon. Sabi pa ni Seth, sa susunod daw ay dadalhin niya rito ang mga magulang niya. Natuwa sina Mama at Papa. At dahil doon, mas lalo akong naging masaya, dahil wala nang naging problema sa mga magulang ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD