ADELINE REVALDEZ POV:) Pupungas-pungas na nagising ako. Nagtaka ako bakit di ako ginising ng asungot na yun. Tiningnan ko ang wall clock, saktong 6 A.M na. Bumangon ako sa pagkakahiga sabay humikab. Nagulat nalang ako na nasa harapan ko si Jk, bagong ligo siya at amoy ko ang ka-freshness niya. Naka-sandong puti at nakapantalon na may butas sa tuhod. Waaahhh! Ang guwapo niya. Mamasa-masa pa ang buhok niya at tumutulo pa iyon sa balikat niya. Nang ma-realize ko ang mga pinagsasabi ko agad na pinukpokpok ko ang ulo ko. Para matauhan naman. Letche! "Hoy! Anong nangyayari sayo? Bakit parang gigil na gigil ka dyan sa sarili mo?" Nagtatakang tanong sakin niya na agad naman akong napahinto sa aking ginagawa. Bwisit! Sasabihan ako nitong baliw sa pinaggagawa ko. "Hehehe, wala 'to. Pag umaga,

