Tila isang batang napagalitan ng magulang si Lexie habang tahimik lamang na naka upo sa loob ng sasakyan ng pesteng si Ram Jordan na ewan niya nga ba kung ano ang ikinagagalit, habang ang lalaki naman ay kahit sinong magaling na pintor yata ay hindi na makukuhang ipinta ang mukha dahil sa tindi ng pangungunot ng noo.
“Seriously, Lexie. This kind of attitude is absolutely rubbish!”
Inis na sabi ni Ram sabay tinapunan siya ng masamang tingin bago muling ibinalik sa kalsada at pag mamaneho ang atensyon.
Lexie fought the urge to roll her eyes believing that if she did, it will only make the man even more pissed at her and Lexie figured she could no longer afford another argument with someone like Ram Jordan, para saan pa nga ba kung ipipilit niya nga ang makipag talo gayong alam na alam niya na rin na man na sa bandang huli ay siya rin lang ang talo?
Mag sasayang lamang siya ng oras at laway kung susubukan niyang makipag sagutan pa sa lalaking ito.
“What has gotten into your mind, Lexie?”
Inis pa rin na dagdag nanaman ni Ram, nanatili pa ring tahimik si Lexie at wala nang nagawa kung hindi ang mapa buntong hininga na lamang.
“I know you are a child but to walk out of your house almost naked? For Christ’s sake Lexie, how on earth could you expect people to respect you?”
Mahabang litanya pa ni Ram kasabay ng tila inis na pag hampas sa manebela ng sasakyan nito, halos mapatalon pa sa gulat si Lexie nang buong lakas nitong diinan ang busina ng sasakyan nang may isang tangang diver ang bigla na laman sumingit mula sa kung saan.
Kinuha niya namang pagkakataon ang init ng ulo ni Ram sa driver para tingnan ang suot niyang damit saka napa simangot.
“Hindi naman ganoon ka lala ang suot ko eh.”
Naka nguso at halos pa bulong na sabi ni Lexie, lalo lamang namang sumama ang tinging ipinupukol sa kanya ni Ram.
“Hindi? Eh halos kita na ang dibdib mo sa see-through na suot mo eh!”
Napipikon na sabi ni Ram, muli namang napa nguso dito si Lexie.
“Eh bakit ba kasi galit na galit ka? Aba daig mo pa ang tatay ko kung sermonan ako ah?”
Hindi na naka tiis na sabi ni Lexie kasabay ng buong tapang niyang sinalubong ang masamang tingin ni Ram.
“Well then I wish I am indeed your father right now, so I could spank you with my own hands.”
Seryosong sabi nito at nakuha pang itaas ang isang kamay saka ipinag duldulan sa mukha niya.
“Well come to think of it, my father never spanked me but maybe you could, I could call you daddy while you do so, you could get me tide up too and oh, pwede mo rin akong paluin sa p’wet habang hila mo ako sa buhok, shocks family strokes lang ang datingan niyon.”
Wala sa sariling sabi ni Lexie, nakuha niya pang haplusin sa braso si Ram na sa halip na matawa sa pinagsasabi niya ay tila lalo lamang namang nainis sa kanya.
“Ano ba? Sa daan ka nga tumingin.”
Lexie snapped at him matapos ang ilang segundong sa kanya pa rin ang pinag halong pagka mangha, inis at galit na tingin ni Ram.
“Baka ma banga tayo, sa daan ka tumingin!”
Utos niya pa sabay itinuro ang kalsada.
“Family strokes? Even you watch those kinds of things?”
“Oo na, masama na akong bata, huwag mo na akong awayin pwede ba? Isa pa, sabi mo sa bahay mo tayo mag aaway hindi sa sasakyan, kaya shhh…”
Kunot ang noong sabi ni Lexie, nakuha niya pang sumenyas na tila sini-zipper ang bibig kasabay ng sadya niyang pag irap para iparating dito na hindi na siya natutuwa sa panenermon nito.
Bagama’t bakas pa rin ang inis sa mukha ni Ram ay tila sinunod naman nito ang pakiusap niyang tumahimik na muna ito, o tama bang sabihing sinunod nito ang utos niyang tumahimik.
Naging smooth na kasi ang biyahe nila ng lalaki at ilang minuto lang ay nakarating na rin sila sa bahay nito.
“In all fairness naman maalam rin palang mapakiusapan ang isang ito.”
Bubulong-bulong na sabi ni Lexie habang pilit na tinatanaw ang malawak na bakuran ng mala palasyong bahay ni Ram.
“What?”
Ram asked confused, Lexie only shrugged refusing to enlighten him with the words she just said, baka kasi lalo lamang uminit ang ulo nito kapag sinabi niya pa.
“Mahirap kaaway ang matanda…”
Pakanta niyang bulong, muli naman siyang sinamaan ng tingin ni Ram bago pa man nito iparada ang sasakyan.
Patay malisya naman si Lexie na nag kunwari na lamang na nag ha-hum ng kung anong kanta.
“Baba.”
Cold na utos ng lalaki matapos nitong maiparada ang sasakyan, mabilis pa siyang napa irap dahil sa kasungitan nito.
“Eto na, sungit-sungit akala mo laging inaano!”
Inis na sabi ni Lexie saka padabog na binuksan ang pinto ng sasakyan, handa na sana siyang lumabas nang sa huli ay mapa balik din sa loob ng sasakyan nang balutin siya ng matinding kaba.
Hindi malaman ni Lexie kung dinadalaw ba siya ng matinding kamalasan ngayon o ngayon na siya sinisingil ng karma sa balak niyang masama kay Ram Jordan.
“What?”
Kunot-noong tanong ni Ram na halatang naguguluhan sa ikinikilos niya, naging tahimik naman si Lexie, wala ring nagawa si Ram kung hindi ang sundan na lamang ng tingin ang mga taong tinatanaw niya.
“Oh I forgot to mention, remember my nephew I was telling you about? Nakalimutan kong darating siya ngayon kasama ang kanyang fiancé to settle some things.”
Maikling kwento ni Ram, wala namang naintindihan si Lexie sa mga pinagsasabi ng lalaki, her attention was dawned to Rafael at sa kasama nitong si Amanda na tila isang sawang naka pulupot nanaman sa braso ng hudas na si Rafael, todo ngiti ang traydor niyang pinsan na siya namang naging dahilan ng pag ngingit-ngit sa inis ni Lexie.
“Come, I will introduce you to them.”
Sabi ni Ram dahilan para mapunta rito ang kanyang atensyon, agad ding nadagdagan ang nararamdaman niyang kaba habang pilit na pinapagaan ang isipan sa pag iisip kung paano niya nga bang malulusutan ang sitwasyon niya ngayon.
Alam ni Lexie na matatapos ng wala sa oras ang maitim niyang balak kapag hindi pa siya kumilos ngayon.
“Ahh-uhm, next time?”
Kagat-labing sabi ni Lexie kasabay ng kagustuhang mag sumiksik sa pa ilalim ng sasakyan ni Ram matapos makitang lumingon doon si Rafael, nawala sa isipan niyang tinted nga pala ang sasakyan ni Ram Jordan at hindi niya na kailangan pang gawin iyon.
“Come on, it’s okay, you can meet them.”
Ram said reassuringly.
‘Hell no I can’t!- Lexie wanted to cry out loud.
“Next time na lang siguro? Ano k-kasi eh, ano-uhm, look at me… I am almost naked, nakaka hiya naman sa pamangkin mo at sa f-fiance niya, baka isipin pa nila kung saang sulok ng kalsada mo lang ako nadampot diba?”
Mahabang sabi ni Lexie habang pilit na pinapa kalma ang sarili.
‘Um-oo ka nalang, damn it!’
Lexie whispered to herself as she silently prayed that Ram would take whatever reasons she had said, kita niya ang tila sandaling pag iisip ni Ram tapos ay naiiling na tinapunan siya ng tingin.
“Wear proper clothes next time okay?”
Sabi nito, gustong mag tatalon sa tuwa ni Lexie nang tila makumbisi niya si Ram na huwag siyang ipakilala.
“Alright, just wait here, I’ll have someone to get you inside without them noticing you.”
Sabi pa ni Ram, wala naman nang naging sagot pa si Lexie kung hindi ang pag tango.
Tila siya nabunutan ng malaking tinik sa dibdib nang makitang bumaba na ng sasakyan si Ram, nakuha niya pang sundan ito ng tingin nang salubungin nito ang dalawang peste sa buhay niya, agad pang napa irap si Lexie nang matanaw niyang ang traydor na si Amanda pa ang naunang bumeso kay Ram.
“Arte, sarap ilagay sa sako.”
Inis na sabi ni Lexie saka tila isang batang bumelat sa pinsan.
Kita niya ang pag pasok ng mga ito sa loob ng bahay at lalo lamang nadagdagan ang inis ni Lexie nang mawala na ang mga ito sa kanyang paningin.
Ilang sandali pa ay may natanaw siyang dalawang babaeng sa tantsa niya ay nasa bente at trenta ang edad, naka suot ang mga ito ng unipormeng pang katulong at nag mamadaling lumapit sa sasakyang kinaroroonan niya.
“Ma’am Lexie po ba?”
Magalang na tanong ng babaeng mukhang ka edad lamang ni Lexie, tipid niya naman itong tinanguan.
“Sumunod po kayo sa amin, utos po ni sir Ram na akayin daw po kayo sa loob ng bahay.”
Dagdag pa ng isang babae na may hawak ng isang malaking payong.
Dali-dali namang bumaba sa sasakyan si Lexie habang ma ingat na tinatanaw ang paligid, baka makita siya ng isa man kina Rafael o Amanda, mahirap na.
Tahimik na sumunod si Lexie sa dalawang katulong ng may pag mamadali sa kilos, alam niyang naguguluhan ang dalawang kasambahay but that is the least worry about now, ano nga ba naman ang pakealam niya sa mga katulong gayong naroon ang dalawang taong puno’t dulo ng lahat ng ito?
Sa tapat ng isang magarbong pinto siya hinatid ng mga katulong, bago sa kanya ang silid na iyon at tiyak niyang hindi ito ang silid ni Ram.
“Pasok po kayo sa loob ma’am. Ito daw po ang magiging silid ninyo, may mga damit pong naka handa sa loob, gusto niyo po ba ng makakain at maiinom pag dadalhan po namin kayo?”
Magalang na tanong ng batang katulong, nag pilit naman ng ngiti dito si Lexie bago sumagot.
“Tubig lang po, thank you.”
Sabi ni Lexie saka pilit na sinilip ang loob ng silid.
“Ah manang?”
Tawag ni Lexie sa isang katulong bago pa man ito tuluyang maka alis.
“N-nabangit po ba ni Ram kung bakit po nagkaroon ako ng sariling kwarto sa bahay niya?”
Naguguluhang tanong ni Lexie, napa ngiti naman ang katulong saka sunod-sunod na umiling, wala namang nagawa si Lexie kung hindi ang mapa ngiwi na lamang bago hinayaang iwan na siya ng mga kasambahay.
“Own room? At Ram Jordan’s mansion? Heck this is fast but surely better than either Rafael or Amanda.”
Bulong sa sarili na Lexie bago tuluyang pumasok sa loob.
Sandali pang namangha si Lexie sa laki at ayos ng silid na iyon, naroong kulang na lamang ay lumuwa ang kanyang mga mata kasabay ng pag buka ng bibig dahil sa ganda ng silid, pang babae kasi ang ayos niyon at tila gawa talaga para sa kanya.
Ngunit ang excitement na nararamdaman ay agad ding napalitan ng pinag halong lungkot, inis at galit.
Paano niya nga ba naman makukuhang matuwa sa magarbong silid gayong nasa baba lamang at kausap ni Ram ang kanyang ex fiancé at ang babaeng mas pinili nitong pakasalan.
Lexie immediately gasped for air and sat quietly on the huge bed beside her as realization dawned to her senses.
“Rafael…”
Tahimik niyang tawag sa pangalan ng dating kasintahan na labis man ang pag mamahal na kanyang ibinigay ay mas pinili pa rin siyang pag taksilan.
Tahimik ang naging pag iyak ni Lexie, hindi niya na nakuha pang punasan ang malalaking butil ng luhang umagos sa kanyang mukha kasabay ng kagustuhang iuntog ang sarili sa marmol na sahig upang kahit paano ay mapalitan ang sakit na bumabalot sa kanyang dibdib.
“Ano ba self… Stop crying, he’s not worth it.”
Pag alo niya sa sarili bago marahas na pinunasan ang luha, ngunit kahit anong gawin niya ay hindi talaga siya matigil.
Muli pa siyang napa ngiti nang sumagi sa isipan kung bakit niya pa nga ba kailangang pigilan ang sarili sa pag iyak gayong nasasaktan siya?
Sa lahat naman marahil ng nakaka alam ng istorya nila ni Rafael ay alam na siya itong mas may karapatang masaktan.
Lexie silently crawled onto the bed as she tucked herself in, not able to stop the tears, she had nothing to do but force herself to close her eyes and everything went black.
Mag a-alas dos ng hapon ng magising si Lexie, muntik pa siyang mapasigaw sa gulat nang hindi sinasadyang madaan ng nanlalabong tingin ang lalaking naka upo sa paanan ng kamang kanyang hinihigaan, seryoso ang ekspresyon ng mukha nito habang mataman siyang pinagmamasdan, Lexie had nothing to do but force a smile which in turn only been rejected by Ram Jordan.
Agad siyang napa nguso dito bago nag salita.
“Don’t tell me hindi ka pa rin tapos na sermonan ako?”
Lexie said rather than asked.
“I am not here to fight with you.”
Sabi ni Ram na hindi pa rin binabago ang seryosong tingin, agad na nakaramdam ng kaba si Lexie nang hindi sinasadyang sumagi sa isipang naroon nga pala sina Rafael kanina,
‘Paano kung nakita ako nina Rafael and then they told Ram about who I was?’
Paranoid na tanong ni Lexie sa isipan.
“I was here to ask why you fell asleep crying.”
Sandaling nawala ang kabang nararamdaman ni Lexie dahil sa tanong na iyon ng lalaki.
“W-wala, don’t worry about it, may naalala lang ako kanina and I could not stop crying…”
Pag sisinungaling ni Lexie, tila tinangap naman iyon ni Ram dahil tipid itong tumango.
“Your ex?”
Tanong nito, nahihiyang tumango naman si Lexie bilang sagot.
“Hmm, come let’s get some lunch, it’s already past 2 in the afternoon.”
Bagamat balewalang sabi ni Ram, hindi malaman ni Lexie kung tama ba ang natunugan niyang inis sa tinig ng binata.
Wala na siyang naging sagot at kusa na lamang bumangon mula sa pagkakahiga sa kama.
“Before we go, could you please tell me whatever the hell you want from me?”
Seryoso at derektang tanong ni Ram.
“W-what do you mean?”
“I mean if you are just here bugging me because you want to get over your ex, I command you to stop, I don’t like being used, Lexie.
So whatever your damage is, please keep me out of it.”
Cold na sabi ni Ram saka siya tinalikuran.
“Slip on proper clothes, I don’t want to see you dressed like that habang kumakain, it’s making me want to eat you instead.”
Dagdag pa nito bago siya tuluyang iwan sa silid na iyon.