Limang minuto bago mag alas sais pa lamang ay gising na si Lexie, halo-halong emosyon ang nararamdaman niya, dahilan para hindi niya makuhang kumilos ng maayos, hindi niya na nga malaman kung ilang beses niyang nasagi sa pinagpapatungan ang maliit na lampshade habang nag aayos ng sarili. Guilt, excitement, fear, nervous… Those are just the few things that she’s been feeling since last night after she found out. Excited at ni-ne-nerbyos siyang iparating kay Ram ang tungkol sa hinala niyang buntis nga siya, at the same time, na gi-guilty siya dahil hangang ngayon ay hindi niya pa rin makuhang sabihin kay Ram ang tungkol kay Rafael, and to top it all off, she was feeling scared, whatever would Ram think if he found out that she is indeed pregnant? What will he say to her? Will he be happy

