Sadyang hindi na umasa si Lexie na kahit paano ay may kaunting celebration man lang na naihanda si Ram para sa araw na iyon. Bakit pa nga ba naman ito mag aalalang mag handa gayong galing na mismo ritong ginusto lamang siya nitong pakasalan upang gawing miserable ang buhay niya. Kung bakit ba naman kasi hindi na siya nag madaling mag punta ng London, noong unang araw pa lamang sanang naisip niya iyon malamang sa hindi ay hindi na nagkanda letche- letche ang lahat, hindi siya mapipilitang mag pakasal kay Ram dahil sa takot na sirain nga nito ang buhay niya, kung siya lamang sanang mag isa, walang kaso iyon, ano man ang gawin nito ay kaya niyang huwag mag pa apekto, ngunit hindi na ganon iyon ngayon, may baby na siyang kailangang isali sa bawat desisyong gagawin niya sa buhay, sa ayaw niya

