Elaina's Point of View
Matapos ko ayusan ang sarili ko ay pumunta ako sa library niya.
Hindi ko pa din alam ang eksaktong dahilan niya kung bakit gusto niya ako tumira sa bahay niya.
Hindi ko alam kung anong motibo niya, pero umaasa ako na sana hindi masama yun.
Mahirap sa parte ko ang muling tapakan ang pagkatao ko, dahil wala na ako iba pang masasandalan.
Si Norie, ayun nakakulong, si Terence naman nasa business meeting. Paano na lang ako, lalo't mag-isa na lang ako.
Sinuot ko ang damit na binigay niya. Siguro kay Loisa ito. Yung babaeng yun, naku, parang ang lakas ng tama. Galit ata sa akin. I don't know, pero dahil ba yun sa nakaraan namin ni Arthur? Basta, alam ko sa sarili ko na I have nothing against with her.
Kumatok ako sa pinto ng library kasabay nun ay ang pagbukas ko ng pinto. Sa pagpasok ko, nakita ko si Arthir na nakaharap sa mga glass windows niya.
Seryoso, walang imik at parang... umiiyak???
Linapitan ko siya.
"Arthur?" untag ko. Siya din naman pagharap niya. Tama ang hinala ko, umiiyak nga siya. Pero bakit?
"A-aina, sorry kung nakita mo akong ganito. Sorry" tsaka niya madaling pinunasan ang mga namumugtong luha sa mga mata niya.
Sandali akong napatulala
"A-ayos lang yun. Ba-bakit ka ba umiiyak?" halos alinlangan kong tanong sa kanya. Curious lang, kasi ang isang gwapong si Arthur, umiiyak. Looks amusing pero siyempre, gusto ko lang malaman.
Nilapitan niya ako at hindi ko inaasahan ang susunod na ginawa niya. He hugged me, so tight. A hug that I've experienced from him long time ago. Ang init ng kanyang katawan ay pumapalibot sa katawan ko.
Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin. Ako naman ay naging tulala sa kinatatayuan ko.
"Pasensya na, talagang kailangan ko lang ilabas ang nararamdaman ko." aniya tsaka ito umupo sa swivel chair niya.
Huminga ako ng malalim.
"Ahm, bakit mo nga pala ako dinala dito?" lakas loob kong tanong sa kanya.
Ngumiti siya at naramdaman kong parang natutunaw ako sa mga ngiti niya. He is so handsome. Kaya nga patay na patay ako sa kanya noong mga highschool years namin.
Mula sa kanyang cabinet ay may kinuha siyang isang envelope. Mula doon ay inilabas niya ang papel na hindi ko alam kung ano ang nilalaman.
Ibinigay niya sa akin ang papel.
"Read it" utos niya.
Balik sa awtoridad ang boses niya.
Sa papel nakasaad ang isang job offer sa Dela Vega Furnitures. And I'm addressed at the letter, meaning para sa akin talaga ang offer. Pati ang isang kasunduan sa titirahan ko, nakasaad din doon.
"Anong ibig sabihin nito?" medyo mataas na boses na turan ko.
"Already stated there. Di pa ba halata sa'yo?" ngisi siya ngayon
I rolled eyes on him. "Do you think na pipirmahan ko ito? Arthur, how many times will I tell you na ayaw ko talaga." at inilapag ko ang mga papel sa mesa niya.
Nakatingin lang siya sa akin. Emotionless, reaction less, wala totally.
"So?" biglang sabi niya. "Diba kailangan mo ng trabaho? Kailangan mo din ng tirahan." at tumayo siya sa kanyang upuan. "And I know for sure, you are financially insufficient." dugtong niya.
Medyo na-insulto ako sa paraan ng pag-komento sa katayuan ko ngayon. Pero, tama naman siya. Ano ba naman ang i-aapela ko, wala. Wala akong mukhang ipagmamalaki sa kanya.
"So anong gusto mong mangyari?" deretsang tanong ko. He is looking at me directly in my eyes.
Ngumiti muli siya "Live here, and work for me. Anim na buwan lang, Aina. Walang malalaman si Terence dito. I know after 6 months niyang business trip ay babalik siya dito para pakasalan ka." at naglaka-lakad ito paikot sa akin. "I'm not going to pursue myself to you anymore. Pero, I'm willing to help you survive your six months." paliwanag niya
Hindi ko alam kung papayag ba ako. Pero, maganda naman pala ang intensyon niya. Yun nga lang, may mga bagay pa rin na bumabagabag sa aking isipan.
"And in return?" mariin kong tanong. Inirapan ko siya
Tumaas ang mga kilay niya. Well, that's just cute of him. Pero matapang ko pa rin siyang hinarap.
"Isa lang ang gusto ko mula sa'yo." tugon niya
Sabi ko na at may kapalit. Sigurado ako, mas mabigat pa ang kapalit na hihingin niya. Pikit mata ko na lang siyang pinakinggan.
"Be my personal assistant. You will be with me to all my appointments. You will cook breakfast for me. You'll have to wait for me during the night. Yun lang." at nilapitan niya ako.
Ramdam ko ang bawat yabag ng kanyang mga paa palapit sa akin. Iminulat ko ng kaunti ang aking mga mata. Magkalapit ang aming mga mukha.
"Simple lang, diba?" bulong niya. Kasabay nito ang mga ngiting nalakalusaw ng damdamin.
Agad naman ako napaiwas ng tingin sa kanya.
Wala naman sigurong mawawala kung papayag na ako. Maging praktikal na lang tayo. Malaking oportunidad na ang ibinibigay sa maliit na kapalit. Tsaka, anim na buwan lang. Kaya ko naman siya pagtiisan sa ganung kahabang panahon.
Bumuntong hininga ako. Alam ko hindi ko pagsisihan ito. Desidido na ako. Dahil walang magyayari sa akin kung magmamatigas pa ako.
"Sige, payag na ako. Pero, no physical attachments ha. Off limits lahat." mariing tugon ko.
Natawa siya. "Sige, Sige. I'll make sure that no more physical attachments anymore." patuloy pa din ang paghalakhak niya.
Kinuha ko ang mga papel sa mesa niya.
"Ballpen mo?"
At ibinigay niya ang pen sa akin. Pinirmahan ko ang mga papel.
Ngumiti siyang muli. "That's it, welcome to your new home. Feel at home, Aina. Sarilinin mo ang buong mansyon."
Nginitian ko na lang siya.
"Arthur, siguraduhin mo lang na walang malalaman si Terence dito." mariin kong turan sa kanya habang naglalakad sa hallway ng mansyon.
Nagtaas lang siya ng kamay tanda ng pag sang-ayon niya.
Matapos nung kasunduan ay inihatid niya ako sa kwarto na pananatilihan ko for 6 months.
"Rest, maaga pa tayo bukas." utos niya.
"May school ako bukas, exams namin. Hindi ako maa-" hindi ko na naman natapos ang sasabihin ko nung sumingit siya.
"I'll excuse you to the school. Kaibigan kong matalik ang may-ari ng school mo. Your safe with me, Aina. With merely using my connections, kahit hindi ka na mag-aral, maari kang mag-graduate." seryosong tinig nito.
"Yabang" bulong ko.
Kumunot-noo siya "May sinasabi ka ba, Aina?"
Agad-agaran akong umiling "Wala, Wala. Guni-guni mo lang yun. Sige na, matutulog na ako. Goodnight!" sabi ko.
Sinarado na niya ang pinto at nakahinga na ako ng maluwag. Wuu, buti na lang hindi niya narinig. Baka paalisan niya ako.
Goodluck sa akin. This is the least action I can do. Ayoko naman na pulutin ako sa lansangan. Alalay lang naman ako sa loob ng anim na buwan. Kakayanin ko ito. After this, uuwi na ang mahal ko, and he'll going to grant his promise to me.
I'm still after a hapilly ever after. Cinderella muna ako ngayon. Darating din ang prinsipe ko.
Arthur's Point of View
She's mine!!! All is flowing according to my plans. I'll make sure na bago pa matapos ang anim na buwan, buntis ka na!
At, ikaw mismo ang sisira sa rule mo na walang physical attachments.
Kumuha ako ng beer sa fridge. Nilagok ko yun at pinagmasdan ang liwanag ng buwan mula sa veranda.
Naupo ako sa isa sa mga seat sa veranda. Idinantay ko ang ulo ko sa sandalan ng upuan ko.
Taimtim kong iniisip ang mga maaring magyari sa ginagawa kong plano.
"Naayon nga ang lahat sa plano ko, pero masaya ba ako?" tanong ko sa sarili ko.
Nag-aaway ang mga anghel sa utak ko.
Ang isa, sinasabi na tibayan mo ang sarili mo, labanan mo ang banta ng ina mo! Huwag mo na ituloy ang balak mo kay Aina.
Ang isa naman sinasabi na, ituloy mo yan, gusto mo bang maghirap habang buhay? Aanakan mo lang naman eh. Alam kong maiintindihan ni Loisa ang desisyon ko.
Arrgh! Hinagis ko ang bote ng beer sa sahig.
This is it! Sinimulan ko na siya, dapat lang ay tapusin ko!
Taliwas man ito sa nakakarami, pero this the only way. I love Loisa, pero she does not want to grant my only request.
Nag-ring ang telepono ko.
"Hello, Mr. Dela Vega?" anang boses sa kabilang linya.
"Yes, this is Mr. Dela Vega" sagot ko.
"This is Don Salcedo College. We just want to inform you that Ms. Elaina Ramirez is now excused from her absences. Naipaliwang na namin sa lahat ng faculty members ang tungkol sa matter na ito." paliwanag nung school director sa linya.
"Salamat." at ibinababa ko na ang telepono.
I planned everything. Lahat, under ng kapangyarihan ko. Hindi ka makakatanggi kapag katawan mo na ang tumatawag, Aina. Alam ko bibigay ka din, at sisiguraduhin ko na magkakaanak na ako.
Tinawagan ko ang secretarya ko sa opisina. Sumagot ito.
"Hello sir. May ipag-uutos po ba kayo?" aniya sa kabilang linya.
"Book a 1 week vacation trip sa Cebu for two. I want it next day." utos ko sa kanya.
"Sige po sir." at ibinababa ko na ang telepono.
Humiga ako sa kama ko, iniisip pa din ang mga consequence matapos ang lahat ng ito. Sana mapatawad nila ako kapag nalaman na nila lahat. Desperado na ako, ayokong mawala lahat ng pinaghirapan ko. Sana, Sana.
Elaina's Point of View
Nagising ang diwa ko sa narinig kong sunod-sunod na suntok sa kabilang kwarto. Iminulat ko ng kaunti ang mga mata ko para tignan ang oras.
"6am, ugh! Ang aga pa! Ano ba yung maiingay nga yun!" iritado kong tugon sa sarili ko.
Tumayo ako sa kama at nag-unat-unat pa ng kaunti. Matapos nun ay saka ko naman binuksan ng maiigi ang aking mata.
Naglakad ako palabas ng kwarto. Nais kong usisain kung anong ingay ang naririnig ko.
Pagtapat ko sa isang kwarto, kumatok ako. Dito ko naririnig ang mga suntok mula sa kwarto ko. Alam ko wala ako sa lugar na usisain pa, pero nakakabulahaw lang kasi. May natutulog pa ee.
Patuloy pa din ako sa pagkatok hanggang sa pagbuksan ako ng pinto.
"Ano ba! Bakit ba katok ka ng katok?" bulyaw sa akin ng nagbukas ng pinto.
Mas lalong binuksan ni Arthur ang pinto ng kwarto niya. Mula doon ay bumulaga sa akin ang makamundong pangangatawan niya.
Ang ganda ng katawan niya. He has a complete set of abs. A well defined bicep. And oh so hot chest. Parang nakuryente ako matapos makita ang mga yun.
"Hoy! Ano na, bakit ka ba kumakatok ha?" muling bulyaw niya sa akin. Nagising ako sa pagkatulala at hinarap siya.
"Ka-kasi maingay ee. Ano ba ginagawa mo diyan?" nanginginig na tanong ko sa kanya. Muling naglibot ang mga mata ko sa katawan ng lalaking ito. He's a greek god, I must say.
Napansin niya ang paglalakbay ng mga mata ko sa katawan niya.
"Gusto mo bang hawakan?" biglang sabi niya. Nabigla naman ako sa tinuran niya. Kita ko ang mga ngisi sa labi niya.
"Ah, pasensya na, inaantok lang ako, pasensya na." medyo namula ang pisngi ko pagkasabi yun.
"Don't be shy, Aina. I know you want this." Sabay himas sa kanyang abs.
Bigla naman ako nakaramdam ng pag-init ng pisngi ko.
"Ah, maliligo na ako, diba sabi mo maaga tayo ngayon. Sige na, maligo ka na din." pag-iiba ko sa usapan.
Shit! Bakit ba ako nagpapadala sa kanya? Ganun na lang ba ang pagkahumaling ko sa kanya?
Grrr.
Arthur's Point of View
Tinalikuran niya ako. Siya nga ba ee. Alam ko na pinagnanasaan niya ako. Kita ko sa mga mata niya ang pananabik.
Noong nakalayo na siya ay nagwika ako.
"Hindi magtatagal, mapapasayo din ito. Ginagarantiya ko iyan" bulong ko sa aking sarili.
Ngayon pa at sa katawan ko pa lang ay hinang-hina ka na. Sisiguraduhin ko na mapapa-saakin ka din.
Bumalik na ako sa loob ng gym ko. Naligo na ako at naghanda.
Pupunta kami ngayon opisina para pormal siyang ipakilala sa mga empleyado ko. At siyempre para ipakita pa rin sa kanya na sinsero ako sa mga ginagawa ko sa kanya. Para hindi niya maramdaman na nasa ilalim siya ng plano ko.
Planong anakan siya para may maipakita akong anak sa mama ko...
*to be continued